Alden Richards defends talent manager from money issue

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards on his talent manager/showbiz discoverer Carlites de Guzman: "Hindi po naging issue sa amin ang pera, at hindi po kami nagte-take advantage sa mga taong sumusuporta sa amin."


Mariing pinabulaanan ni Alden Richards ang alegasyong pineperahan siya diumano ng kanyang talent manager na si Carlites de Guzman.

Kaugnay ito ng paninira ng bashers sa diumano’y “panganguwarta, panloloko, at panggagamit” ni Carlites kay Alden.

Si Carlites ang naka-discover kay Alden bago pa sumabak sa showbiz ang Kapuso actor.

Sa kasalukuyan, si Alden ay co-managed ni Carlites at ng talent management ng GMA-7 na GMA Artist Center.

Sa eksklusibong pakikipagpalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alden ngayong Huwebes, May 24, nilinaw ng Pambansang Bae na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Carlites.

Wala rin daw katotohanan ang isyung nabisto ni Alden na “ninakawan” siya ni Carlites o maging ang alegasyong nagpapabayad ang talent manager sa fans sa meet-and-greet events ng aktor.

Paano mailalarawan ni Alden ang pakikipagtrabaho niya kay Carlites mula noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz hanggang sa kasalukuyan?

Sagot niya, "Hindi po naging issue sa amin ang pera, at hindi po kami nagte-take advantage sa mga taong sumusuporta sa amin."

Noong Miyerkules, May 22, naglabas ng opisyal na pahayag si Carlites na handa siyang magsampa ng legal complaint sa sinumang patuloy na magkakalat ng malisyosong akusasyon sa kanya.

Paglilinaw pa ni Carlites, “Yes, I was not born in a rich family. Not rich but comfortable.

"I have worked my way up by hard work and determination with my family as my inspiration.

“Never did I use people to get to where i am now.

"It was fate brought by God that led me to discover and manage a talented young man but that business relationship turned into an unbreakable FRIENDship.

“It NEVER went beyond that, contrary to what these malicious creatures are trying to imply.”


Stories We Are Tracking

Alden Richards's talent manager slams money allegations
Alden Richards's talent manager slams money allegations


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN