Manny Pacquiao has a lot to prove in boxing match with Lucas Matthysse

IMAGE Jerome Ascano of SPIN.ph

Team Pacquiao's Jake Joson on Manny Pacquiao's upcoming boxing match with Lucas Matthysse: "Marami po siyang dapat patunayan dito. One, pupuwede pa siya? Two, kaya ba niyang mag-promote? Three, kaya pa ba niyang magpabagsak?"


Mas “gutom” si Senador Manny Pacquiao sa nalalapit na Fight of Champions nila ng Argentinian na si Lucas Matthysse kumpara sa mga nakaraan niyang laban.

Ito ang pahayag ni Jake Joson ng Team Pacquiao sa contract signing para sa pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN, GMA-7, TV5, Cignal TV, at Sky Cable para sa coverage ng Fight of Champions nina Pacquiao at Matthysse.

Ginanap ang contract signing ngayong Huwebes ng hapon, May 24,  sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

"Dito po kasi, manggagaling tayo sa talo,” matamang pasakalye ni Jake.

Sa huling laban ni Pacquiao ay natalo siya ng Australian boxer na si Jeff Horn via unanimous decision.

Patuloy ni Jake, “'Tapos, siya po ang promoter—first time! Na ang isang Manny Pacquiao, galing sa hirap, ay magpo-promote ng sarili niyang laban... without Top Rank.

“So, marami po siyang dapat patunayan dito.

“One, pupuwede pa siya?

“Two, kaya ba niyang mag-promote?

“Three, kaya pa ba niyang magpabagsak?

“So, yung lahat po ng aspects na yun, nasa mind po ni Manny.

"Kaya yung kanyang hunger... to recover yung dating Manny Pacquiao, e, makikita niyo po lahat dito.

“Kaya grabe po ang intensiyon niya.

“Kaya tinapos po niya lahat ng meetings sa promotion... two weeks before, almost a month before po siya mag-umpisang mag-ensayo.”

Nakatutok na raw ang Pambansang Kamao sa paghahanda sa salpukan nila ni Matthysse para sa World Welterweight Championship, sa Hulyo 15 sa Axiata Arena ng Kuala Lumpur, Malaysia.

“Iyong condition niya, tama lang po sa ngayon!” nakangiting bulalas ni Jake.

“Nasa pacing po tayo ng magandang conditioning. At dumating na po yung foreign na conditioning coach niya.

“Iyon po ang hudyat, na pumapasok na sila sa intense na training.”

Sabi pa ni Jake, one week before the fight ang tungo ng pamilya ni Pacquiao, kasama si Mommy Dionisia, pa-Malaysia.

“Malapit lang po naman, so, chartered flight po tayo mula GenSan patungong Malaysia. Sabay-sabay po!” sambit ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumpleto po ang buong pamilya.”

Present sa contract signing kanina sina Arnold Vegafria (head of sales & marketing ng MP Promotions), Felipe S. Yalong (EVP at CFO ng GMA Network), Rolando Valdueza (CFO ng ABS-CBN Group), Antonio Ventosa (presidente ng Sky Cable), at Miguel Vea (general manager ng Cignal TV).


May early bird promo ang Cignal TV at Sky Cable sa mga bibili agad ng tiket.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN