Julie Anne San Jose reveals Regine Velasquez's love advice to her

IMAGE Noel Orsal

Julie Anne San Jose (left) opens up about the advice that Regine Velasquez (right) gave to her when it comes to love. Julie Anne is now in a relationship with Benjamin Alves.


Ibinahagi ni Julie Anne San Jose ang love advice na ibinigay sa kanya ng idolong si Regine Velasquez.

Pagbabahagi ni Julie Anne, “She always tells me, ‘Bata ka pa. Mag-enjoy muna kayo. Basta chill lang muna kayo kasi madami pa kayong pagsubok or marami pa kayong gagawin individually and together.’

"So, enjoy lang po muna talaga."

Recently, nagkasama sina Julie Anne at Regine para sa series of concerts na 3 Stars, 1 Heart, kung saan kasama rin nila si Christian Bautista.

Nakatakda silang mag-concert sa Dubai sa June 16.

Nakausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa thanksgiving press conference nito na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center, sa may Quezon City, nitong Huwebes, May 24.

Karelasyon ngayon ng 24-year-old singer-actress ang kapwa Kapuso star na si Benjamin Alves, 29.

Ayon kay Julie Anne, mas pinagtutuunan nila ng pansin ngayon ni Benjamin ang kani-kanilang mga proyekto.

“We’re both busy, like, concert [ko], 'tapos may soap kami, 'tapos may album [ako].  

“And siya ngayon, he’s working on a soap too with Miss Sunshine [Cruz] and Bea [Binene],” pagtukoy ni Julie Anne sa upcoming Kapuso teleserye na Kapag Nahati ang Puso.

Patuloy niya, “Tsaka for us, wala po talagang kaso sa amin na magtrabaho with other people.

“We’re both really busy and we understand that.”

Ang importante raw ay nagkakaunawaan sila at nagkakausap.

“Kahit parang wala na kaming time, important po talaga kasi constant communication talaga. Usap lang.

“Every now and then, kamustahan, update…”

Bukod sa kanyang album, tampok si Julie Anne sa daytime drama series na My Guitar Princess at weekly comedy series na Pepito Manaloto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN