Perfume magnate Joel Cruz files estafa case against Brunei-based businesswoman

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Perfume magnate Joel Cruz (right), president and CEO of Aficionado, says Brunei-based businesswoman Kathelyn "Kathy" Dupaya (left) owes him over PHP40 million.


Estafa ang kasong isinampa ng businessman at Lord of Scents na si Joel Cruz laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathelyn "Kathy" Dupaya.

Kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, naghain si Cruz ng reklamo sa tanggapan ng Department of Justice sa Quezon City, ngayong Huwebes, May 24.

Nagpasya si Cruz na magdemanda dahil nabigo siyang bawiin noong 2017 ang investment niya kay Dupaya na nagkakahalaga ng mahigit PHP40 million.

Sa interview ni Mario Dumaual ng TV Patrol, ikinuwento ni Cruz ang tungkol sa malaking halaga ng pera na utang diumano sa kanya ni Kathy.

Aniya, "Starting December 5, 2017 up to now, wala na siyang ibinigay na interes na promise niya na may six percent interest sa Philippine money na PHP29,750,000, plus $200,000.

"Kung nasa PHP52 ngayon ang [exchange] rate, nasa PHP40 million pesos na lahat-lahat [ang utang niya].”

Ipinagtapat din ni Cruz kung paano siya umano niloko ni Dupaya na ibabalik nito ang kanyang investment, pero hindi natupad dahil peke ang bank transactions at hindi rin dumating ang alahas na ipinangako ng businesswoman.

Dahil sa nangyari, dumanas umano ng depression si Cruz, na hiyang-hiya sa sarili dahil sa kabila ng pagiging successful businessman ay nagawa pa rin siyang lokihin ni Dupaya.

Pag-amin niya, “I got depressed, sa sarili ko ako nasasaktan na after all na nagawa ko, itong ganitong kung nasaan na ako ngayon, lolokohin lang ako ng isang tao.

"Masakit sa akin na alam ko na maraming OFW na kapatid, kababayan na naloloko," ang himutok pa ni Cruz.

Ayon sa column ni Becky Garcia sa Manila Times noong Oktubre 2017, naging business partners ni Joel, president at CEO ng Aficionado perfumes, ang MK Group ni Kathy at asawa nitong si Mhar, upang i-expand ang perfume business ni Joel sa bansang Brunei.

Hindi lamang si Joel ang kilalang personalidad na nagsasabing naging biktima ni Kathy Dupaya dahil kasama rin sina Sunshine Cruz, Dianne Medina, at Ynez Veneracion sa mga nagrereklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpahayag na rin si Ara Mina na nakapag-invest din ito kay Dupaya.

Inaasahan ang paglantad ng iba pang mga biktima ni Dupaya sa Sabado, May 26, at ang sama-sama nilang pagsasampa ng reklamo sa susunod na linggo.


Stories We Are Tracking

Ara Mina speaks up on investment in Kathy Dupaya's business
Ara Mina speaks up on investment in Kathy Dupaya's business
Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue
Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue
Brunei-based businesswoman lashes back at Ynez Veneracion
Brunei-based businesswoman lashes back at Ynez Veneracion


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN