Kris Aquino reveals reasons why she and Mayor Herbert Bautista did not end up together

IMAGE Instagram (@krisaquino)

Kris Aquino opens up about the reasons why she and Mayor Herbert Bautista did not end up together, even if they tried.


Wala raw pinagsisisihan si Kris Aquino kung hindi man nauwi sa isang pangmatagalang relasyon ang pagkakamabutihan nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram account ang kuwento ng pagkakaibigan nila ng actor-politician ngayong Huwebes, May 24.

Kalakip ng mahabang caption ay isang video-slideshow ng quote cards tungkol sa friends at friendship, gayundin ang mga larawan nila ni Herbert mula sa kanilang panonood ng sine noong May 17, at ang pag-attend ni Kris ng surprise birthday celebration ni Herbert nitong May 23.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino goes on movie date with Mayor Herbert Bautista
Kris Aquino goes on movie date with Mayor Herbert Bautista
Kris makes a surprise appearance at Herbert's birthday party
Kris makes a surprise appearance at Herbert's birthday party

Sa caption, binanggit ni Kris na ang mga “responsibilidad” nila ng alkalde ang naging hadlang kaya naudlot ang espesyal na namamagitan sa kanila nang muli silang mag-reconnect apat na taon na ang nakararaan.

Binanggit din ni Kris na kabilang din dito ang pagkakaroon nila ng mga anak sa kani-kanilang mga dating karelasyon.

May dalawang anak si Herbert mula sa dating karelasyon, at may dalawang anak din si Kris na sina Josh at Bimby.

Gayunpaman, wala raw pinagsisisihan si Kris kung hindi man natuloy ang relasyon nila ni Herbert.

Bahagi pa ng caption ni Kris, “4 years ago we reconnected & attempted a “relationship”- but life & responsibilities got in the way...

“4 years after I’m proud of the choices we made because we both have children we love & are very proud of.

“And he did right by prioritizing them…”

LASTING FRIENDSHIP. Hindi raw naging madali para sa kanila ni Herbert na magdesisyong manatili na lamang magkaibigan.

Inamin din ng actress-host na na-brokenhearted siya.

“I won’t lie- it took a lot of patience on his part & a lot of acceptance on mine to reach where we are.

“Trust me when I say- it is possible to 1 day be chill about a broken heart- because without it I wouldn’t have received lasting friendship...” pahayag ni Kris.

Hindi man daw suwerte sa pag-ibig, maituturing ni Kris ang sarili na naging mabuting magulang at kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Reality check: I haven’t been a success at relationships, but I’m succeeding as a true friend & more than that, more than all our ‘accomplishments’- I know we’re both the best parents we can be.

“And that WINS over everything else in this ever changing, temporary world.

Sabi pa ni Kris, “I’m HB’s true friend, and I’m 100% sure he is mine...

“They say you can’t move on to the next chapter of your life if you haven’t made peace w/ the last- i’m finally ready for the continuation of my life story, and i still have hope that a new character will be introduced because i do still deserve a love story w/ a happily ever after. (Kuya & Bimb approved of course.) #grateful #peaceful”

A post shared by KRIS (@krisaquino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN