Are JM de Guzman's cryptic IG posts alluding to his father?

IMAGE Noel Orsal

JM de Guzman posts cryptic message following an alleged throwing of shade between his father, Ronniel de Guzman, and actress Angelica Panganiban.


Kasunod ng tila sagutan ni Angelica Panganiban at ng ama ni JM de Guzman sa social media, nag-post ng mga matalinhagang mensahe ang aktor sa kanyang Instagram account.


Stories We Are Tracking

Are Angelica and JM's dad throwing shade at each other?
Are Angelica and JM's dad throwing shade at each other?

Sa pamamagitan ng Instagram Story, nag-post ang Araw Gabi actor ng isang larawan ng lalaking naka-shades at hoodie.

Nakasulat din sa post ang mensaheng ito: “OK, YOU WANT ME UP IN A CAGE THEN I'LL COME OUT IN BEAST MODE.”


Ngunit agad ding binura ni JM ang post niyang ito.

Kasunod nito ay nag-post ang aktor ng isang quote card sa kanyang Instagram Story na nagsasabing, “If you can stay positive in a negative situation, you win.”


Sa mismong Instagram naman ay nag-post si JM ng larawan ng sikat na American rapper na si Eminem na nagtatakip ng kanyang mga tenga.

Ito ay may caption na, “Me and love is like a bad combination.”

eh... ganon e.

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Noong Miyerkules, May 23, iniugnay ng ilang netizens ang Instagram Story ni Angelica sa mga post ng ama ni JM na si Ronniel de Guzman.

Sa isang post ni Ronniel, makikitang nakikipag-inuman si JM kasama si Angelica at iba pa nilang mga kaibigan sa showbiz.

Kung pagbabasehan ang ilang hashtags na ginamit ng ama ng aktor sa post—tulad ng #maymali #ikawnaumiwas #wrongcompany—masasabing tila tutol siya sa pakikipagkaibigan ni JM kay Angelica.


Hindi naman maikakaila ang pagiging malapit na magkaibigan nina JM at Angelica simula nang magkasama sila sa hit romantic movie na That Thing Called Tadhana (2014).

Samantala, nabigyan din ng kulay ang post ni Ronniel ng screenshot ng Okja, isang Korean action-adventure movie sa Netflix.

Alam ng karamihan sa followers ni Angelica na ito ang term of endearment ng aktres para sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, walang anumang direktang tinutukoy ang mga kampo nina Angelica, JM, at ng ama ng aktor.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais ilabas ng bawat kampo.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN