Teresa Loyzaga vows to unleash her 'wild animal' to protect her children

IMAGE Instagram (@diegoloyzaga)

Teresa Loyzaga unleashes her maternal instinct by posting a warning to those who will harm her children, including son Diego Loyzaga. Teresa, in all caps, said: "WHEN IT COMES TO MY OFFSPRING I WILL FIGHT WITH THE FANGS OF A WOLF AND THE CLAWS OF A DRAGON."


Handang suungin ni Teresa Loyzaga ang anumang laban pagdating sa pagtatanggol sa kanyang mga anak.

Ito ang mensaheng ipinarating ng seasoned actress sa kanyang Instagram post noong Miyerkules, May 23.

“BECAUSE WHEN IT COMES TO MY OFFSPRING I WILL FIGHT WITH THE FANGS OF A WOLF AND THE CLAWS OF A DRAGON FOR NO ONE AND NOTHING WILL STOP ME FROM PROTECTING THEM,“ sabi ni Teresa.

Tila sagot ito ng aktres sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng kanyang anak, ang ABS-CBN actor na si Diego Loyzaga.

Noong nakaraang linggo ay na-bash si Diego nang mag-post ito ng mga larawan niya kasama ang mga kaibigan sa Boracay.

Hindi binanggit ni Diego na throwback photos ang mga ito.

Kaya inakala ng netizens na recent ang photos at inakusahan siyang gumamit ng koneksiyon at impluwensiya para makapasok sa Boracay.

Sarado ngayon ang isla sa publiko para sa anim na buwang rehabilitasyon.

Sa comments section, nakipagsagutan pa si Teresa  para ipagtanggol ang anak mula sa mga basher.


Stories We Are Tracking

Teresa Loyzaga defends son Diego over Boracay photos
Teresa Loyzaga defends son Diego over Boracay photos
Diego defends himself after getting flak for Boracay pics
Diego defends himself after getting flak for Boracay pics

TERESA INTERVENES AGAIN. Kamakalawa rin ay may isang netizen ang nagkomento sa isang post ni Diego.

Tanong ng netizen kay Diego, “What can you say about the issue of your father Cesar Montano about corruption? Is it true magnanakaw ang papa mo kagaya ni Wanda Teo?”

Sinagot ito ni Teresa at sinabihan ang netizen na idiretso ang kanyang tanong kay Cesar sa halip na si Diego ang tanungin.




Samantala, nag-comment din si Diego sa comments section at pinakiusapan ang ina na huwag nang patulan ang basher.


Kamakailan ay nasangkot si Cesar, dating Tourism Promotions Board (TPB) ng Department of Tourism, matapos masilip na nag-release ang kanyang departamento ng PHP80 million para sa maanomalyang Buhay Carinderia project.

 


Stories We Are Tracking

Cesar: Teo pushed for P80M payment to Buhay Carinderia
Cesar: Teo pushed for P80M payment to Buhay Carinderia
Cesar Montano resigns as Tourism Promotions Board chief
Cesar Montano resigns as Tourism Promotions Board chief


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN