Robin Padilla says wife Mariel Rodriguez's TV comeback depends on their daughter

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Robin Padilla on wife Mariel Rodriguez's weight loss: "Iyan ang pinakamagandang nangyari sa bahay namin, wala nang magandang iba pa. Isa ako sa mga inalagaan, kaya siya pumayat kaaalaga sa akin. Totoo yun, inalagaan niya ang anak ko, inaalagaan niya kaming lahat."


Hindi raw si Robin Padilla o maging si Mariel Rodriguez mismo ang magdedesisyon sa pagbabalik-telebisyon ng TV host-actress.

Ayon kay Robin, ang pagbabalik sa trabaho ng kanyang misis na si Mariel ay nakadepende sa anak nilang si Isabella.

“Ang tanong ay kung papayagan ba siya ng anak niya.

“Pag pinayagan siya ng anak niya, wala na akong magagawa doon.

“Hindi kasi humihiwalay sa kanya.”

Sabi pa ni Robin, “Tingnan natin kung kaya kong pukawin sa iyo, susubukan ko. Ngayon, tsansa ko na.”

Masaya naman si Robin na naibalik na ni Mariel ang pangangatawan nito matapos manganak.

Saad ng aktor, “Iyan ang pinakamagandang nangyari sa bahay namin, wala nang magandang iba pa.

“Isa ako sa mga inalagaan, kaya siya pumayat kaaalaga sa akin.

“Totoo yun, inalagaan niya ang anak ko, inaalagaan niya kaming lahat."

Papuri pa niya kay Mariel, “Very good wife, mother."

Huling napanood si Mariel bilang guest co-host sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime.

FAVORITE MOVIE ACTOR. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Robin sa 49th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. noong Linggo, May 20.

Kinilala si Robin bilang All-Time Favorite Movie Actor para sa pelikula nila ni Sharon Cuneta na Unexpectedly Yours.

Pahayag niya tungkol sa award na natanggap, “Siyempre malaking karangalan yun pag galing sa Guillermo… 

“Pang-ilan na ba ito? Forty-nine. Isipin mo, kaunti na lang, golden year na.

“Pag sinabing all time, medyo matagal-tagal ka na rin.

“Siyempre pagdating sa usapin na yun, nakakatuwa yun.

“Kinikilala ka ng Guillermo, kilala. Hindi rin naman ito fly by night, talagang marangal itong organisasyon.”

Dagdag ni Robin, “Maraming salamat, kasi alam ninyo po, gumagaan ang trabaho ko pag nagugustuhan ninyo yung mga ganung klaseng proyekto, katulad ng Unexpectedly Yours

"Kasi ibig sabihin nun, yung mga darating kong proyekto, hindi ko na kailangang tumambling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga nitong Guillermo Mendoza, all time, kaya kailangan relax na rin.”

MARAWI MOVIE. Kinumusta rin namin kay Robin kung may update na tungkol sa Marawi movie na sama-sama nilang ipo-produce nina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal.

Tugon ng 48-year-old actor, “Walang pipigil dun.

“Hihinto ang lahat, pero ang Marawi, hindi hihinto yun.

“Yun ang malaking usapin na nagaganap ngayon kasi mag-uumpisa na yun itong buwan na ito.

“Kailangan pagpasok ng June, mag-shooting na kami.

“Uumpisahan na kasi yung mga proyekto ng gobyerno, baka makaistorbo kami.

“Hindi kami puwedeng makaisrorbo dun,” pagtukoy pa ng aktor sa isasagawang rehabilitasyon sa Marawi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN