Paul Salas apologizes for calling out reporter on Twitter: "Nagkamali po ako, na-carried away ako."

IMAGE Rose Garcia

Paul Salas admits he made a mistake when he reacted after a reporter asked his rumored girlfriend Barbie Imperial if his family approves of her.


Naging malaking aral daw sa young actor na si Paul Salas ang naging padalus-dalos na reaksiyon niya sa social media.

Kaugnay ito ng pagkastigo ni Paul sa isang reporter sa Twitter dahil hindi niya nagustuhan ang tanong nito sa rumored girlfriend na si Barbie Imperial sa presscon noon ng ABS-CBN afternoon drama series na Araw Gabi.


Stories We Are Tracking

Paul Salas irked by question of a reporter to his girlfriend
Paul Salas irked by question of a reporter to his girlfriend

“Totoo, inaamin ko na mali ko po yun,” sabi ng 20-year-old actor.

“Masyado akong na-carried away.  

“Baka iniisip ng lahat na minumura ko ang lahat ng reporter, hindi naman po.

“Naawa ako kay Barbie, parang masyadong na-roast, na-hot seat.

“Parang first leading lady niya yun na presscon.

“Pero nagkamali po ako, na-carried away ako.”

Paliwanag pa niya, “Kasi, wala po akong kain nun, diet ako.  

“Nagalit po sa akin ang daddy ko, hindi raw ako professional.  

“Si Sir Perry [Lansigan], kinausap din ako, sinabihan po ako.”

Si Paul ay anak ni Jim Salas, dating miyembro ng sikat na all-male dance group na Universal Motion Dancers.

Si Perry Lansigan naman ang kanyang bagong talent manager.

Naging aral daw kay Paul ang nangyari.

Aniya, “Huwag masyadong magpapaapekto, huwag masyadong O.A.  

“Sorry, humihingi po ako ng pasensiya kung sino man ang napagsabihan ko ng ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paul sa tanggapan ng PPL Entertainment, Inc., sa may Quezon City, noong May 17.

Iyon din ang araw na pumirma ng kontrata si Paul sa GMA Artist Center, ang talent management ng Kapuso network, pagkatapos niyang lumipat sa GMA-7 mula sa ABS-CBN.

THE QUESTION. Ang ikinagalit ni Paul na tanong kay Barbie ay kung totoo bang hindi pabor ang mga magulang ng binata sa dalaga.

Nasaktan daw si Paul para sa 20-year-old actress dahil wala raw itong katotohanan. 

Aniya, “May nabasa ako na parang ‘pineperahan mo raw si Paul…’

“Siyempre, parang na-hurt ako, kasi si Barbie, alam naman nating breadwinner ng family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Idol ko nga ‘yan, napaka-workaholic.”

Kumusta si Barbie sa pamilya niya?

“Okey po siya,” sagot ni Paul.

“Binigyan niya nga po ng flower ang mommy ko noong Mother’s Day.”

Diin pa niya, “Hindi po totoo yun kaya medyo napa-react po ako dun.

“Pero yun nga po, na-realize ko naman po na mali ako sa nagawa ko.”

Ano ang naging reaksiyon ni Barbie nang mag-post siya sa social media laban sa reporter?

“Actually, nagalit din po siya sa akin. Sabi niya, hindi raw po ako professional.

“Sabi ko naman po, ‘Balak ko lang namang ipagtanggol ka.’”

Ipinapangako na ba niyang hindi na mauulit ang pangyayaring iyon? 

“Hindi na, ayoko na!” natawang sagot ni Paul.

Dagdag niya, “Kaya ko nang kontrolin yung emotion ko, lalo na noong nasabihan na po ako na dapat kontrolin ko.  

“Actually, wala naman pong masama sa tanong, talagang na-carried away lang ako.”

PAUL’S TEMPER. Mainitin ba talaga ang ulo niya o madali talaga siyang magalit?

“Hindi po, hindi po galit, parang madaling mag-react,” paglilinaw ni Paul.

Paano niya gustong makilala ng mga tao, lalo na ngayong balik-Kapuso siya?

“Nagpapakatotoo lang,” mabilis niyang sagot.

“Na lahat naman ng tao, nagkakamali. Tulad ko, nagkakamali ako.

“Ilang beses akong nagkakamali, pero ipapakita ko na totoo pa rin ako, ito pa rin ako.

“Kung nakagawa man ako ng mali, natuto ako ng lesson and magpapatuloy lang.”

Nakangiting sabi pa ni Paul, “Mabait naman po ako. Makulit nga ako, e.”

Ikinagulat naman ni Paul ang komento sa Facebook ng ama ni JM de Guzman na si Ronniel de Guzman.

Ayon sa ama ni JM, mabait daw si Paul.

Noong nasa rehab pa kasi si JM, si Paul lang daw ang nangangamusta rito.

Reaksiyon dito ni Paul, “Thank you so much po.

"Pero totoo po, palagi akong nangangamusta kay JM at palagi kong mine-message.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thank you, Tito, sa pag-comment po ng ganun.  

“Akala ko poser-poser lang, kasi marami nang ganun. Pero salamat po.”

THE REAL SCORE. Hindi naman masagot nang diretso si Paul ang tanong tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Barbie.

Day 1 in Bangkok well spent!!! ??

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on

“Okay po kami,” ang nakangiting sagot ng binata.

Sa interview naman kay Barbie, sinabi nitong supportive siya kay Paul.

Paliwanag pa ni Paul, “Busy rin po kasi kaming dalawa kaya hindi kami masyadong nagkikita. Nakakapag-usap naman po kami.” 

May lumalabas na balitang tila pinagseselosan ni Paul si JM, na leading man ni Barbie sa Araw Gabi.

Nagseselos nga ba siya?

Pag-amin naman ni Paul, “Siyempre meron kasi, di ba, halos sila na ang magkasama lagi.  

“Pero kuya ko ‘yang si Kuya JM. Simula noong Mula Sa Puso [2011] dati, isa sa mga first teleserye ko.

“Siyempre, nandoon pa rin ang selos.

“Pero kaya ganun, may chemistry talaga sila and, siyempre, proud ako na marami rin ang taong nahu-hook sa show nila kaya sana magtuluy-tuloy.”

Napapanood ba niya ang mga kissing scene at love scene nina Barbie at JM?

Natatawang sagot niya, “Yun, hindi ko yun masyadong pinapanood!

“Tinitingnan ko lang kung darating sa ganun.

“Pag ganun, hindi na!

“Pero siyempre, suportado ko silang dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN