JM de Guzman apologizes to dad after heated exchange on social media

IMAGE For YES! via @1migueldeguzman Instagram

JM de Guzman's message to his dad Ronniel after their exchange of heated words on social media: "I WAS WRONG. sorry for hurting your feelings."


Humingi ng dispensa si JM de Guzman sa kanyang amang si Ronniel de Guzman matapos ang napabalitang palitan nila ng maiinit na salita sa social media.

Sa kanyang Instagram Story noong Biyernes ng gabi, May 25, nagbahagi ng quote card si JM na nagsasabing hindi kailangang mang-insulto ng kapwa upang patunayan ang paninindigan sa isang argumento.

Pahayag ni JM sa kanyang Instagram post: “I WAS WRONG. sorry for hurting your feelings.. im really sorry dad. I love you.. @ronnieldeguzman”

Sabi pa sa quote card ng Araw Gabi actor, “You don’t have to disrespect and insult others simply to hold your own ground. If you do, that shows how shaky your own position is.”


Hindi idinetalye ni JM kung ano ang pinag-awayan nila ng kanyang ama, pero napagtagpi ng netizens na si Ronniel ang pinatatamaan ni JM sa kanyang Instagram quote card na: "OK, YOU WANT ME UP IN A CAGE THEN I'LL COME OUT IN BEAST MODE."

Kaugnay ito sa tila palitan ng salita ni Ronniel at aktres na si Angelica Panganiban sa kani-kanilang matatalinhagang mensahe sa social media. 

Ilan sa mga hashtags na ginamit ni Ronniel sa kanyang Instagram post ay #maymali #ikawnaumiwas #wrongcompany. Ang hinuha ng netizens ay tutol ito sa pagkakaibigan nina JM at Angelica.

Nabigyan din ng kulay ang post ni Ronniel ng screen shot ng Okja, isang Korean action-adventure movie sa Netflix.

Alam ng karamihan sa followers ni Angelica na ito ang term of endearment ng aktres para sa kanyang ina.

Narito ang matalinhagang mensahe ni Angelica sa kanyang Instagram Story kamakailan, na pinaniwalaan ng netizens na may kaugnayan sa posts ni Ronniel:

"Not my Family. Not my mother. Not my Okja. Never cross that line with me. Wag Ako Pumapatol Ako Kapag Pamilya ko nasa usapan."

Sina Angelica at JM ay naging malapit na magkaibigan mula nang magtambal sila sa pelikulang That Thing Called Tadhana noong 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula nang magbalik-showbiz si JM  ay madalas silang nagkakasama ni Angelica sa lakad ng kanilang barkada.


Stories We Are Tracking

Are Angelica and JM's dad throwing shade at each other?
Are Angelica and JM's dad throwing shade at each other?
Are JM de Guzman's cryptic IG posts alluding to his father?
Are JM de Guzman's cryptic IG posts alluding to his father?


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN