Kris Aquino reacts to Lolit Solis's Instagram post about Herbert's birthday party and Crazy Rich Asians role

IMAGE Instagram

Kris Aquino responds to Lolit Solis's commentary about the former's "eksena" at Quezon City Mayor Herbert Bautista's birthday party. She says, "Dumaan ako kasi yung party ni mayor was 3 minutes away from my shooting set. Kung ininvite mo ko sa birthday mo—dumaan din sana ako..."


Diretsahang sinagot ni Kris Aquino ang komentaryo ng veteran entertainment reporter na si Lolit Solis tungkol sa umano’y paggawa ng “eksena” ng aktres nang dumalo ito sa birthday party ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kamakailan.

Hindi rin pinalampas ni Kris ang komento ni Lolit tungkol sa trailer ng Crazy Rich Asians (CRA), kung saan hindi nakita ang host-actress kahit pa pinag-usapan nang husto ang pagkakasali nito sa Hollywood film.

Sigurado rin daw si Lolit na “abonado” pa ang aktres kung ikukumpara ang nagastos nito sa “talent fee” na nakuha para sa pelikula.

Bahagi ng Instagram post ni Lolit kahapon, May 25: “Media savvy talaga ang Kris, ever since newsmaker, alam niya where and how to get media attention, at talaga naman newsworthy siya.”

Dagdag ng veteran reporter, sana ay makita ni Kris ang “true love” nito dahil mabait naman ang aktres “basta walang sumpong.”

Hindi rin matapus-tapos ang istorya ng Herbert Bautista at Kris Aquino ha, Salve. Heto gawa na naman ng eksena Kris, attend siya ng birthday party Herbert, o di ba news na naman. Media savvy talaga ang Kris, eversince newsmaker, alam niya where and how to get media attention, at talaga naman news worthy siya. Naloka lang ako na sa dami ng balita dun sa Hollywood movie kung saan siya kasali, wala man lang siya sa trailer, to think na dinala niya buo niyang glam team sa Singapore. Sure ako abonado pa si Kris sa nagastos niya kesa sa tf niya sa movie, hah hah. Talagang character din si Tetay. Sana nga makita na niya true love niya, the one that will never get away para happy na siya forever, bait naman si Kris basta walang sumpong. #instatalk #lolitkulit??

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

SIGHTING WITH HERBERT. Sa mismong Instagram wall ni Lolit, nagpaliwanag si Kris kung bakit siya nakarating sa birthday party ni Herbert.

“Dumaan ako kasi yung party ni mayor was 3 minutes away from my shooting set.

“Kung ininvite mo ko sa birthday mo—dumaan din sana ako..."

Sa Instagram post ni Kris noong May 24, nauna nang nilinaw ni Kris na "100 percent true friend" ang turingan nila ni Herbert sa isa't isa.

Siniguro rin ni Kris na nalampasan na nila ni Herbert ang malungkot na karanasan nila nang maudlot ang kanilang short-lived engagement noong 2015.

Ika nga ni Kris nang padalhan siya ng bouquet of peonies ng alkade noong Abril, "It was what it was..."

CRA TALENT FEE. Sa kaso ng special participation ni Kris sa Crazy Rich Asians, sinabi si Kris na sapat ang kanyang talent fee upang mabayaran ang Michael Cinco gown na isinuot niya sa Hollywood film na ipapalabas sa Agosto.

Mahigit isang milyong piso ang halaga ng mga gowns ni Cinco na may intricate designs at Swarovski crystals. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kris: “I have never hidden the fact na I have at most 5 minutes of screen time in Crazy Rich Asians. But it was a once in a lifetime opportunity—so i grabbed it.

“Regarding the talent fee, I think it paid for my @michael5inco gown... may strict non disclosure agreement ang Warner Brothers, but when people watch the movie they will understand bakit ako na-excite.

“I remember you gave me such wise advice before—tinanong kita bakit okay maging maluho ang sasakyan ng artista & you said: Tetay, yun ang nakikita ng mga tao—kung gusto mo ng malaking TF, dapat hindi ka yung mukhang pwedeng tawaran.

“Never forgot those words. And put it into practice sa gastos sa glam team & wardrobe ko."



Stories We Are Tracking

Kris reveals why she and Herbert did not end up together
Kris reveals why she and Herbert did not end up together
Kris makes a surprise appearance at Herbert's birthday party
Kris makes a surprise appearance at Herbert's birthday party


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN