Kris Bernal admits meeting non-showbiz boyfriend's family

IMAGE Rommel Gonzales

Kapuso actress Kris Bernal on boyfriend and business partner Perry Choi: "Very mature siya, he can decide on his own and alam kong maga-guide niya ako."


Business partner ni Kris Bernal ang boyfriend niyang si Perry Choi.

Siya ang kasosyo ng aktres sa kanyang MeatKRIS burger stores, pati na rin sa bago niyang Korean resto na magbubukas ngayong June.

Kuwento ng aktres, “Siya ang nagturo sa akin na magluto sa kitchen.

“Chef kasi siya at siya ang supplier ng lahat ng raw materials ko.”

Eight months na ang relasyon nila.

Bukod sa pagturo sa kanya ng pagluto, marami pa raw nagustuhan si Kris kay Perry.

Lahad niya, “Very mature siya, he can decide on his own and alam kong maga-guide niya ako.

“Alam mo yun?

“Na-realise ko kasi pag kasing edad ko or parehong nasa showbiz, parang pareho lang kaming naglalaro, e.

“Or kung hindi naglalaro, parang parehong source of income lang namin itong showbiz.

“So pag nawala yung showbiz, yung career, parang, ‘Anong puwede nating gawing pareho?’

“Di ba?”

Chef si Perry sa sarili nitong kumpanya.

NO WEDDING PLANS YET. Pinag-uusapan na ba nila ni Perry ang tungkol sa kasal?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi pa! Eight months pa lang.”

Pero si Perry na ba ang nais niyang mapangasawa?

Pag-amin niya, “Somehow, siyempre at the moment siya na nga.

“At tsaka hindi naman ako nakikipag-relationship din ng hindi long-term, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa taping The Cure kung saan guest siya bilang si Myra na asawa ni Elmer played by Matt Evans.

Ginanap ang taping ng The Cure sa Golden Hills sa Antipolo nitong Biyernes, May 18.

MEETING PERRY'S FAMILY. Chinese si Perry at wala naman raw problema sa parents nito si Kris.

May lahing Chinese rin sina Kris.

Chinese ang ina ni Kris na Tan ang apelyido.

Aniya, “Pero we don’t practise Chinese traditions kasi, e.”

Nakilala na ni Kris ang mga magulang ni Perry.

Dagdag niya, “Okay naman at tsaka at first I made sure talaga na hindi ko kailangang... alam mo yun, mag-adjust or…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fairness naman sa family nila.”

Madali raw makasundo ang pamilya ni Perry.

RESTO REVAMP. Isinara na ni Kris Bernal last April ang lahat ng branches niya ng MeatKRIS na isang burger store.

Paliwanag niya, “Kasi gusto ko ng mag-manage ng full-blown restaurant.

“Kumbaga, yung MeatKRIS it was an experience for me.

“Marami akong natutunan about the business, so sabi ko, feeling ko kaya ko nang mag-manage ng full-blown restaurant talaga.

“And since yung unli-Korean grill di ba very ano siya ngayon, in demand, yung Samgyupsal, yung Unli Samgyupsalamat, so iyon yung talagang naging plano ko.”

Sa June magbubukas si Kris ng Korean restaurant niya.

Paliwanag niya, “Actually, dapat matagal na matagal na siya.

“Kaya lang nagkaroon kasi ako ng problema sa location ko, e.

“Nung una, malapit siya dapat sa bahay ko, 'tapos nagkaroon ng delay.

“So, ngayon nasa bandang Dapitan na siya, bandang Banawe [Quezon City].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN