Rufa Mae Quinto's mom dies at 61

IMAGE Instagram @rufamaequinto

Rufa Mae Quinto on her mother Carol's passing: "Namatay siya nang pumikit na lang. Wala siyang sakit."


Kinumpirma ni Rufa Mae Quinto, 40, na pumanaw ang kanyang ina na si Carol nang walang anumang partikular na sakit.

Si Mommy Carol, kung tawagin ni Rufa Mae, ay 61 years old.

“I’m so brokenhearted,” sabi ni Rufa Mae sa pakikipagpalitan niya ng mensahe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 27.

Dugtong ng Home Sweetie Home actress, “Namatay siya nang pumikit na lang. Wala siyang sakit.”

Noong Sabado, May 26, nang inanunsiyo ni Rufa Mae ang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng ina.

Ibinahagi rin ni Rufa Mae ang huling larawan kung saan kasama niya si Mommy Carol at anak ng aktres na si Alexandria Athena.

Bagamat habang-buhay raw niyang mami-miss ang ina, sapat na raw kay Rufa Mae ang alaalang nakapiling niya ito sa pinakamahalagang yugto ng kanyang buhay.

Kabilang dito nang ikasal si Rufa Mae sa mister niyang si Trevor Magallanes noong November 25, 2016; nang ipinangak ng aktres si Baby Alexandria noong February 17, 2017; at nang magdiwang ng first birthday si Baby Alexandria nitong taon.

Sa kanyang Instagram post kahapon, ipinagmalaki rin ni Rufa Mae ang legacy na nakuha niya mula sa ina.

“Nanay ko parati sinasabi na maging mabuti kaming mga anak niya sa Kapwa. Maging simple at wag mag judge sa Tao.

“Sa kanya ko din nakuha ang humor, comedy ko, Kaya May Rufa Mae quinto, Kaya May booba, Kaya May super B! Todo na to! Go go go”

Narito ang isa pang masayang larawan ni Rufa Mae kasama si Mommy Carol at isa pang kaanak:

Mommy Carol, atchinge Fe! ????????????

A post shared by Rufa Mae Quinto (@rufamaequinto) on


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN