Paolo Ballesteros slams netizen for linking Maine to Juancho, Alden Richards to Julie Anne

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Paolo Ballesteros responds to netizen who continues to link Maine Mendoza to Juancho Trivino and Alden Richards to Julie Anne San Jose. 


Isang netizen ang sinagot ni Paolo Ballesteros na pilit iniuugnay si Maine Mendoza kay Juancho Trivino, at si Alden Richards kay Julie Anne San Jose.

Ngayong Lunes ng umaga, May 28, nag-post si Paolo sa Instagram suot ang statement T-shirt na may nakasulat na “Dami mong Alarm!”

Caption niya rito: “Para sa mga magagaling jan, dami mong alarm! Woooh!!! Hehe.”

Sa comments section, isang netizen ang nagkomentong alam niyang si Maine ay karelasyon ni Juancho, at ang "idol" niyang si Julie Anne San Jose ay para kay Alden Richards.

“Walang forever sa aldub,” bahagi pa ng komento ng netizen.

Sinagot naman ito ni Paolo ng: “luh baliw lang.”


Bunsod nito, maraming supporters nina Maine at Alden ang binatikos ang netizen dahil sa paggawa ng isyu.

Marami naman ang nagpasalamat kay Paolo sa pagkastigo sa netizen.

Sina Paolo at Maine ay hosts sa “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga!, kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Si Maine naman ay iniuugnay kay Juancho simula nang mabuo ang pagkakaibigan nila sa 2017 prime time series na Destined To Be Yours.

Minsan namang na-link noon si Alden kay Julie Anne San Jose.


Stories We Are Tracking

Juancho Trivino denies courting Maine Mendoza
Juancho Trivino denies courting Maine Mendoza
Juancho Trivino admits,
Juancho Trivino admits, "Yeah, Maine is special."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN