Iñigo Pascual brushes off "hyper, ADHD" comments of basher

IMAGE Noel Orsal

Iñigo Pascual answers a netizen who criticized his being "hyper" on ASAP Chillout: "Mas okay na po hyper kesa madami po sinasabi… dami mo nyo po sinabi e."


Interesante ang naging sagot ni Iñigo Pascual sa puna ng isang netizen na tila “hyper” at may “ADHD” siya.

Nagsimula ito nang mag-post ang netizen, na may handle name na @StunnerLily, ng komento tungkol sa kilos ni Iñigo sa “ASAP Chillout” segment ng ASAP noong Linggo, May 27.

Sabi ng netizen, “Bakit ang hyper mo sa ASAP Chillout di ka mapirmi sa isang lugar, lakad ka nang lakad habang naghu-host tapos bigla kang sisigaw! Bakit para kang bata ka kumilos? Kakaiba ka,ikaw lang ata yung artistang sobra yung pagka-hyper di na nakakatuwa ung nakakainis na.”

Sagot dito ng anak ni Piolo Pascual, “Mas okay na po hyper kesa madami po sinasabi… dami mo nyo po sinabi e.”

Hindi pa rito natatapos ang pamumuna ng netizen.

Sabi ni @StunnerLily kay Inigo, “may mga symptoms ng ADHD na meron ka, restlessness you can’t sit still you need to tap your fingers or feet, Impulsiveness you blurt out whatever comes in to your mind without thinking it first, your easily distracted, Disorganization your all over the place.”

Ang ADHD o attention deficit hyperactivity disorder, ayon sa nimh.nih.gov, “is a disorder that makes it difficult for a person to pay attention and control impulsive behaviors. He or she may also be restless and almost constantly active.”

Mahinahon pa ring sagot dito ng 20-year-old Kapamilya actor-singer, “Salamat po! Kung adhd man ako edi good! At least nageenjoy! Labyu! Hahahahahaha!”

Consistent si @LilyStunner sa pamumuna kay Iñigo sa kanyang Twitter account.

Narito ang ilang pang halimbawa ng tweets ng nasabing netizen, na ang gamit na profile pic ay litrato ng Hollywood actress na si Lily Collins:

Ipinagtanggol naman si Iñigo ng ilan sa kanyang followers sa Twitter:

@_05mimi08: “ADHD agad? Di ba puwedeng HYPER  dahil nasobrahan sa KaSWEETan, aq nga e…ang Hyper q pag nasa mood aq kahit wala sa mood hyper pa rin pero NORMAL naman aq.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

@leniiAguilar: “Hahahahaha pero sa totoo lang, yung sinasabi ni @StunnerLily true na ganong symptoms.  Nasobrahan sa hyper at laging hindi mapakali.  Meron akong 2 naging estudyante dati na may ganyan.  PERO sa tingin ko hindi sa lahat ng pagkakataon ADHD na aga basta hyper hehehehe..”

@kristynne08: “Exactly, I have also friends son ganyan din.  Yung hyper na sinasabi is consistent yun as in araw-araw ganun,  Lol su @ImPascualInigo ngayon lang naman.  I think sya ang nasobrahan sa pagpuna.”

@LeniiAguilar: “Totoo ate, hehehe yung mga ganong disorder consistent syang hyper at hindi mapakali maghapon lagi..at ang hirap ihandle ng mga may ganong case. Sa school dapat marami kang bagong isang sakong TIYAGA hahahaha.  Pero si Inigo normal naman ah.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN