Cedric Lee found guilty of kidnapping daughter with Vina Morales

IMAGE File photos

After two years, Cedric Lee is found guilty of kidnapping his daughter with ex-girlfriend Vina Morales.


“Guilty beyond reasonable doubt” ang naging hatol ng Mandaluyong City Regional Trial Court sa kasong kidnapping na isinampa ng actress-singer na si Vina Morales laban sa dati niyang karelasyon na si Cedric Lee.

Base sa dokumentong nakuha ng ABS-CBN News reporter na si MJ Felipe, ang desisyon na nilagdaan ni Presiding Judge Anthony Fama ay lumabas ngayong Lunes, May 28.

Nakasaad dito: “The action of the accused in not immediately returning the custody of minor Ceana was premeditated, intentional and malicious, as he adamantly refused to return the custody of minor Ceana to the private complainant, through her sister, when he is legally obligated to do so.”

Si Ceana ang anak ni Vina kay Cedric.

Dahil dito, pinatawan ng korte si Cedric ng PHP300 na fine.

Kailangan din siyang magbayad kay Vina ng kabuuang PHP50,000 para sa moral at nominal damages.

Taong 2016 nang ihain ni Vina ang reklamong kidnapping laban kay Cedric dahil sa sapilitang pagtangay nito kay Ceana, noon ay pitong gulang lamang.

Nanatili kay Cedric ang kanilang anak sa loob ng siyam na araw nang walang pahintulot mula sa singer-actress.

Ito ay labag sa naunang napagkasunduan nilang visitation rights, na magaganap sana tuwing Sabado.

Ayon kay Vina, nagkaroon ng hindi magandang epekto sa menor de edad nilang anak ang ginawa ng kanyang dating boyfriend.

Sabi ni Vina sa isang pahayag noon, “She is only 7 years old and was confused with what happened and a bit traumatized.”

Pinabulaanan naman ito ng kontrobersiyal na businessman.

Idiniin pa niyang may kulang na 10 araw si Vina sa kanya kaugnay ng napagkasunduan nilang visitation rights.

Kasunod nito, naghain si Cedric ng six counts of libel laban sa dating girlfriend.

Dalawa sa mga ito ang na-dismiss na sa korte.


Stories We Are Tracking

Vina Morales awaits verdict in kidnapping case vs Cedric Lee
Vina Morales awaits verdict in kidnapping case vs Cedric Lee
Vina wants to show Cedric that 'no one is above the law'
Vina wants to show Cedric that 'no one is above the law'
Vina on complaints filed by Cedric: Hindi ako uurong dito.
Vina on complaints filed by Cedric: Hindi ako uurong dito.
Vina reveals dismissal of two libel complaints by Cedric
Vina reveals dismissal of two libel complaints by Cedric


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN