Marlo Mortel remains optimistic despite worsening condition of his mom

IMAGE Instagram / John Fontanilla

His mother is fighting for her life, and Marlo Mortel is not giving up: "Prayers lang talaga at naniniwala ako sa miracle. Alam kong darating yung time na makikita ko si Mama… malakas at okey na siya."


Malakas ang pananampalataya at nananatiling positibo si Marlo Mortel sa kabila ng mabigat na pinagdaraanan dahil sa malubhang sakit ng kanyang pinakakamahal na ina.

Hindi maiwasan ni Marlo na mag-open up tungkol sa kalagayan ng ina na may cancer, upang kahit paano ay makatulong na mabawasan ang bigat na kanyang nararamdaman.

Lahad niya, “Hindi siya okey, ayaw niya ipasabi yung kanyang kalagayan.

"May bagong findings na naman na may mga tumors sa ibang part na naman ng katawan.

“Isang blood test lang na ginawa sa kanya, isang bagsak lang, 150 thousand [pesos] na agad yun. Blood test lang yun.

“’Tapos last week, may emergency siya, malapit na pala siyang mag-heart failure.

"Inoperahan siya sa heart, so may nakakabit sa kanyang puso."

Saan siya kumukuha ng lakas?

"Hindi ko alam kasi hirap na hirap na ako,” pag-amin ni Marlo sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Ako kasi pag work, work, hindi ko hinahayaang maapektuhan ang trabaho ko… Hindi ko talaga ipinapakita.

"Kapag nasa bahay ako, nahihirapan ako, sobra.” 

KEEPING HIS FAITH. Nagkakausap naman daw sila ng kanyang ina.

"Oo, pero mahina siya, nag-drop na yung weight niya to 40 kilograms.

"Nag-uusap kami, pero light lang, hindi siya puwedeng umiyak o sumama ang loob kasi bawal sa kanya.

"Last time nag-sorry siya sa akin kasi sa sobrang laki ng gastos, nakita niya yung mga ipon ko napupunta lang sa kanya.

“Pero sabi ko, wala akong pakialam sa gastos. Saan naman yung pera kung hindi ko siya kasama?

"Kanino ko isi-share yun… basta ang mahalaga, gumaling siya."

Saad pa ni Marlo, "Every day ka-text ko siya, sinasabihan ko siya ng 'I love you,' ganun din siya sa akin.

"Ang sabi ko sa kanya, mag-pray lang kami, kasi marami pa kaming plano in the future.

"Magkakabahay pa kami na maganda para sa family, alam kong nai-inspire siya sa hirap ko at tiyaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi ko nga sa kanya na hintayin niya muna yung magiging apo niya sa akin. 

"Sabi nga niya, sana daw gumaling na siya, sana nga, kasi yun kasi yung ipinagdadasal namin.

"Pero malakas talaga yung faith niya, nakikita rin niya na ginagawa ko lahat.

“Kami ng daddy ko, ginagawa ang lahat, at nakikita niya.” 

LOOKING FORWARD. Handa ba si Marlo sa anumang mangyari?

Tugon niya, "Pag tinatanong ako ng ganyan, hindi talaga, ayoko talaga isipin.

"Ako kasi talaga, very positive, gusto kong makita siya na malakas at okey na.

"Gagawin ko ang lahat para sa kanya, prayers lang talaga at naniniwala ako sa miracle. 

"Alam kong darating yung time na makikita ko si Mama… malakas at okey na siya.”


Stories We Are Tracking

Marlo Mortel opens up about mom's courageous cancer battle
Marlo Mortel opens up about mom's courageous cancer battle
Marlo Mortel says no to indecent proposals
Marlo Mortel says no to indecent proposals
Marlo Mortel touched by Maddie Poppe's kind gesture
Marlo Mortel touched by Maddie Poppe's kind gesture

BLESSINGS. Suwerte nga rin daw si Marlo dahil sunud-sunod ang mga proyektong ginagawa niya ngayon. 

Regular pa rin siya sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN at sa June ay ilalabas na ang album niya under Star Music at co-produced ng Mercator.

Pagbibida pa ni Marlo, “All original songs na ako lahat ang nagsulat.

"Related siya lahat sa love story ko!

"Pero pinaka-special yung song ko sa mommy ko.

“Yun yung time na super hirap na hirap na ako kaya nakagawa ako ng kanta.

“Yun yung naging outlet ko para magkaroon ng hope, kaya hindi ako medyo nahirapan.

"Happy nga siya nang marinig niya yung song, siya talaga yung unang nakarinig nung song.

"Through my song for her, feeling ko, mas lumalakas siya nang marinig niya yung kanta."

May guesting din si Marlo sa Maalaala Mo Kaya kung saan kasama niya sina McCoy Deleon, Mico Aytona, at Angelo Ilagan.

Ramdam daw niya ang istorya dahil tungkol ito sa apat na magkakapatid na may Parkinson’s disease.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN