Sofia Andres admits trauma after issue with entertainment press

IMAGE Noel Orsal

Sofia Andres admits to having a relationship with Diego Loyzaga only after they had broken up. For her next love-team partner, she now has one rule. "Siguro this time trabaho lang, di na puwede ma-in love. Ayoko na. Kaya naman na ganun lang, basta magaling naman na artista."


Minsan na raw sumagi sa isip ng Kapamilya young actress na si Sofia Andres ang mag-quit sa pag-aartista dahil sa dami ng mga intriga at isyung ibinabato sa kanya.

Paliwanag ni Sofia, "May ganun po, pero parang [sa] level ko po ngayon, parang wala pa akong right to say it.

"Pero dumaan ako sa point na sinabi ko sa sarili ko na, 'Itutuloy ko pa ba?' Kasi parang nakaka-torture.

"Iniisip ko na lang na, what more yung mga veterans, what more yung mas mga sikat, they're experiencing much worse na pamba-bash.

"What more ako na baguhan lang?

"Siguro ako, hangga't kaya pa, mananatili ako sa showbiz."

Ayon pa kay Sofia, ngayon ay nilulubos niya ang pagpapahinga. Kinausap daw niya ang Star Magic, talent management ng ABS-CBN, na namamahala sa kanyang career.

"Right now, I'm not doing anything, kasi gusto ko munang magpahinga at mag isip-isip for a while.

"Um-agree naman po sila, sinabi nila sa akin na may ganun talaga.

"Kaya naman ngayon, I'm resting.

"In a couple of months, I'm ready to work again for a new project."

Pinag-iisipan din ni Sofia na bumalik sa pag-aaral.

Aniya, "Parang gusto ko nga pong bumalik sa school now, e, para habang naghihintay ako ng project may ginagawa ako."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sofia sa birthday party ng Philippine Movie Press Club (PMPC) member na si Rommel Placente, sa Manang Colasa, Timog, Quezon City, noong Linggo, May 27.

MORE CAUTIOUS. Inamin ni Sofia na may trauma na siya pagdating sa pakikitungo sa miyembro ng press.

"Oh my God! Naiilang na nga po ako kung sino ang babatiin ko.

"Siyempre i need to say hi, but of course, baka at the back of their mind, isipin nila, 'Totoo ba ito?'

"Minsan nga iniisip ko baka sa pinupuntahan ko makita ko [yung] tumitira sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Oh my God, Ma, oh my God.'"

So, iiwas na lang siya?

"Hindi naman po, babati pa rin."

Naniniwala naman daw si Sofia na good or bad publicity is still publicity.

"Opo, sabi ng manager ko.

"Pero sa mga tao tumatak na, 'Maganda lang iyan pero masama ang ugali,' parang okey."

Pero nag-e-effort ba siya para maalis ang kanyang maldita image?

Balik ni Sofia, "Pag nag-effort naman po, sasabihin nila plastic. Pag hindi naman, sasabihin suplada.

"Parang I just let them say na lang what they want to say.

"'Tsaka nako-concious po kasi ako. 

"Kasi parang konting galaw mo lang, may masasabi, parang... I just act normal na lang po.

"Kasi kahit anong sabihin, ganun po talaga."

MOST HURTFUL COMMENT. Sa dami raw ng naibatong isyu sa kanya ay hindi na niya masabi kung saan siya pinaka nasaktan.

"Parang ang dami, e, nasanay na lang.

"Kasi wala akong Facebook, kasi di ba nandun yung mga bashers?

"Tsaka di na ako nagbabasa. Pero most of the time, sa comments, sinasabi nila 'Suplada,’ ‘Maldita iyan, e.’

"Pero dati, nung mga una, yung mga time pa ng Forevermore, nahe-hurt ako."

Mas naging strong ba siya sa mga napagdaanan niya?

"Parang mas manhid na nga ako, e," sagot ni Sofia.

May pinatulan na ba siyang basher? 

"Dati i just blocked them, e.

"Pero ngayon dini-delete ko na lang, hindi ko na bina-block, kasi parang waste of time lang."

Ano ang mensahe niya para sa kanyang haters at bashers?

"Oh my God! Hindi ko alam. 

"Siguro, peace na tayo, just love not war, hahaha!"

Dugtong niya, "I just don't understand kung bakit may mga ganun pang tao, parang hindi na lang na okey na yun.

"Parang namomroblema pa sila kung ano yung nandiyan.

"[Just] try to be positive all the time, yun na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mensahe rin si Sofia para sa mga taong sumusuporta at patuloy na naniniwala sa kanya.

"Thank you so much. Lagi nilang naiintindihan kung ano yung mga nagagawa ko and my achievements, and thank you for them."


Stories We Are Tracking

Sofia Andres apologizes for her behavior towards bloggers
Sofia Andres apologizes for her behavior towards bloggers
Ex-NPC president calls Sofia Andres as 'habitual bastos'
Ex-NPC president calls Sofia Andres as 'habitual bastos'
Sofia Andres explains bad behavior during interview
Sofia Andres explains bad behavior during interview
Sofia Andres cautious now during press interviews
Sofia Andres cautious now during press interviews

KILLED OFF. Nilinaw muli ni Sofia na kasama talaga sa istorya ng ABS-CBN prime time series na Bagani na mamatay ang kanyang character na si Mayari. 

"It was really a plan talaga na ganun na mamatay ako sa show.

"Siguro yung mga tao lang talaga ang nagulat.

"Ever since I started taping Bagani, I know that I'm gonna die."

May ilang netizens ang nagsabing kaya raw tinanggal si Sofia sa teleserye ay dahil sa mga isyung kinasangkutan nito, na ang pinakahuli ay pagpuna ng ilang press sa kanyang manners at professionalism lalo na tuwing presscons.

Dahil ba sa mga isyung ito kaya napagdesisyunang patayin na lang ang kanyang character?

Paliwanag ni Sofia, "Siguro nasakto, nagkaton lang, pero hindi talaga dun."

Hindi naman daw nagsisisi si Sofia na pinasok niya ang showbiz sa kabila ng mga isyung dumarating sa kanya.

Aniya, "Ako naman kasi, as long as I'm enjoying acting po, yun na lang ang tinitignan ko.

"Wala na akong pakialam doon sa mga taong, [they have] nothing to do at home, tsaka doon lang naman sila nakakapagsalita [online], hindi nila kaya in person."

NEW LOVE TEAM. Nabuwag na rin ang love team nina Sofia at Diego Loyzaga.

Kamakailan ay umamin din si Sofia na nagtapos na ang relasyon nila ni Diego.

Ang huling proyektong pinagsamahan ng dalawa ay ang afternoon serye na Pusong Ligaw, na nagtapos noong Enero nitong taon.

Pahayag ni Sofia ukol dito, "Kasi yung first show ko po, parang hindi nagtugma lahat—yung sa love team, yung sa mga issue, 'tapos nagsabay-sabay na, siguro timing talaga.

"Pero kahit papa'no naman may nangyari, and I'm so thankful for that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May bago ka ba siyang ka love-team ngayon?

"May pinagpipilian po," sagot niya.

Hindi ba niya iniisip na baka hindi na naman tama ang susunod niyang makaka-love-team, tulad ng nauna?

Ani Sofia, "Siguro basta huwag lang mai-in love. Ayaw ko na.

"Siguro this time, trabaho lang, di na puwede ma-in love. Ayoko na.

"Kaya naman na ganun lang, basta magaling naman na artista."

Kung siya ang papipiliin, sino ang gusto niyang makapareha?

Sagot ng 19-year-old actress, "Kasi yung mga crush ko, yung may mga edad na, e, like Gerald Anderson."

May iba pa ba?

"Si Gerald lang po talaga."

Bakit si Gerald?

"Ever since kasi PBB [Pinoy Big Brother] pa lang, crush ko na siya.

"Pero kahit kapatid lang niya [ang role ko], okey lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN