Kris Aquino denies throwing shade at ex-husband in "new James in my life" caption

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino reacts to netizens accusing her of throwing shade at ex-husband James Yap when she used "James" in the caption of her Instagram post last Sunday, May 27.


Nilinaw ni Kris Aquino na wala siyang masamang intensiyon sa kanyang Instagram post kung saan ipinakilala niya ang isang bagong katrabaho bilang "the new James in my life."

Kaugnay ito ng Instagram post ni Kris noong Linggo, May 27, na umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens na napansin ang pagbanggit niya ng pangalang "James."

Sagot ni Kris sa mga natawa sa kanyang caption, "if you can't laugh at how life can surprise you-then you're not really living."


Ngunit may ilang netizens ang nagsabing tila nanadya si Kris sa pagbanggit ng "James," na siya ring pangalan ng dati niyang mister na si James Yap.

Sabi ng isang netizen, "You always have to throw shade, don't you? Move on na, girl!"

Sagot naman ni Kris, "kaya nga po nakangiti & kayang magbiro. i can laugh at life's coincidences & count my blessings - that's why i'm living & really winning."



Kasunod nito ay in-edit ni Kris ang caption sa kanyang Instagram post at saka kinuwestiyon kung bakit binibigyang-kulay ang simpleng pagbanggit niya ng "James."

Paglilinaw ni Kris, "kaya po JOKE lang din ang caption ko... as i was reading realized yung mga trip bumasag ng trip ng iba makakahanap ng 'something' kung puriin ko si Lebron JAMES, JAMES CORDEN, JAMES REID, or gamitin kong background music si JAMES Ingram, JAMES Taylor, or JAMES Blunt... not to mention my super favorite author JAMES Patterson.

"Pati na rin kung mag quote ako ng Biblical verse na James 1:17 Every good & perfect gift is from above, coming down from the Father of the heavenly lights, who does not change like shifting shadows."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN