Vina Morales says guilty verdict on Cedric Lee an "answered prayer"

IMAGE File

Malaki ang pasasalamat ni Vina Morales sa Diyos at sa mga taong tumulong sa kanya sa kidnapping case na isinampa niya laban sa dating partner niyang si Cedric Lee, na nahatulan ng "guilty beyond reasonable doubt" pagkatapos ng dalawang taon. 


Itinuturing ng singer-actress na si Vina Morales na “answered prayer” ang hatol na "guilty beyond reasonable doubt" sa dating partner niyang si Cedric Lee.

Ito ay kaugnay ng kasong kidnapping na isinampa ni Vina laban kay Cedric noong 2016 dahil sa sapilitang pagtangay nito sa anak nilang si Ceana, na noon ay pitong taong gulang lamang.

Siyam na araw nasa poder ng negosyante si Ceana nang walang pahintulot ni Vina.

Labag ito sa visitation rights na pinahintulutan ng korte na tuwing Sabado lamang.

Nitong Lunes, May 28, lumabas ang desisyon ng Mandaluyong City Regional Trial Court sa kaso ni Cedric.

Pinagbabayad si Cedric ng PHP300 na multa at PHP50,000 para sa moral and nominal damages.


Stories We Are Tracking

Cedric Lee guilty of kidnapping daughter with Vina Morales
Cedric Lee guilty of kidnapping daughter with Vina Morales

Kagabi, May 29, nag-post sa Instagram si Vina ng pasasalamat sa Diyos at sa mga taong tumulong sa kanya upang ipursige ang kaso laban kay Cedric.

Sinamahan niya ito ng larawan sa loob ng St. Padre Pio Chapel sa Libis, Quezon City

Mensahe ni Vina sa caption, "Salamat po Panginoon... Padre pio, Mahal kong pamilya, Matatalik kong kaibigan at sa iyo Atty@lucillesering... to God be the Glory #AnsweredPrayer #GodisGreat #thankful.”

Si Attorney Lucille Sering ang abugado ni Vina sa kidnapping case na isinampa niya laban kay Cedric.


Stories We Are Tracking

Shaina fully supports Vina on legal battle vs Cedric
Shaina fully supports Vina on legal battle vs Cedric
Vina wants to show Cedric that 'no one is above the law'
Vina wants to show Cedric that 'no one is above the law'


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15,-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN