Sunshine Cruz breaks silence on claims of Brunei-based businesswoman

IMAGE File photo

Sunshine Cruz (right) wants to settle issue with Brunei-based businesswoman Kathelyn Dupaya (left) in court. She and Ara Mina (center) want to get the money they invested on Dupaya's business in Brunei.


Inaasa na lamang ni Sunshine Cruz sa korte ang hiling niyang maibalik ang perang inilaan para sa negosyo ng Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya.

Sa pamamagitan ng Facebook posts kagabi, May 29, sinabi ni Sunshine na sinubukan niyang kausapin nang pribado si Kathelyn tungkol sa kanyang investment, ngunit walang nangyari.

Ito raw ang dahilan kung bakit idinaan na niya sa legal na paraan ang pakikipag-usap sa naturang businesswoman.

Mensahe ni Sunshine sa kanyang post, “For the record, I tried to talk to Ms. Kathelyn Dupaya about getting my money back privately for months but it did not work.

“That’s why I coursed it through my lawyers na lang.

“She was a friend and I/We trusted her.

“I got into business with her, invested money for about 2 years for additional income esp that I am a single mom.

“I’ve been wanting to get my principal money back but she couldn’t deliver.

“Like what she said in her interview, let the court come up with a judgement na lang.”

Sa isa pang post, binigyang-linaw rin ni Sunshine ang diumano'y mga diamond na natanggap niya mula sa negosyante.

Sa larawan ng mga alahas na natanggap niya mula kay Kathelyn, sinabi ni Sunshine sa caption, “Hundreds of thousands worth of DIAMONDS according to Kathelyn Dupaya. Please keep your FACTS STRAIGHT. We just want our hard earned money back. No need for drama.”

Unang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine tungkol sa isyung ito noong Enero.

Sinabi noon ng aktres na may problema siya sa isang kaibigan dahil sa inutang nitong pera.

Gayunman, unti-unti na raw itong naibabalik matapos makipag-usap sa asawa ng tinutukoy niyang kaibigan.

Hindi pinangalanan noon ni Sunshine ang kanyang kaibigan.


Stories We Are Tracking

Sunshine Cruz settles money issue with friend
Sunshine Cruz settles money issue with friend

Sa kabilang banda, muling humarap sa media si Kathelyn upang pabulaanan ang mga ibinibintang ng mga nag-invest sa kanyang negosyo, kabilang na rito ang mga aktres na sina Sunshine, Ynez Veneracion, at Ara Mina; at ang perfume businessman na si Joel Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Kathelyn, pinakamasakit ang bintang mula kay Sunshine, na itinuturing niya umanong pinakamalapit na kaibigan.

Aniya, “Ang pinakamasakit po sa akin [sa] lahat, si Sunshine Cruz po, dahil siya po ang BFF ko, araw-araw nakikita ko.

“Hindi ko po ine-expect na ilalaglag niya ako sa kabila po ng lahat.

“Nang walang-wala siya, ako ang kanyang ka-text gabi-gabi, lahat-lahat.

“Dinala ko siya sa Europe, dinala ko siya sa Singapore, balik-balik siya sa Brunei. Lahat ng luho niya, shopping niya, lahat... kahit sinong kaibigan walang gagawa sa kanya niyan.

“Nilampaso niya talaga ako, nilaglag niya ako, kaibigan niya ako.

“'Yang si Ynez, expected ko na sila. Pero si Sunshine, hindi ko [in-expect] dahil sa lahat ng artista, siya lahat ang nakinabang, lahat.

"Siya lahat ang nakinabang, hindi lang sa kanya, sa mga support ko sa mga anak niya.

“Mag-shopping siya ng mga damit niya sa Zara... Alam lahat ng mga saleslady sa Zara sa Greenbelt kung magkano ang mga halaga ng binabayaran ko sa kanya, na di alam ng asawa ko, ni hindi ko nabigay sa mga kamag-anak ko ang pera, lahat.

“Siya lahat ang nakinabang. 'Tapos ngayon sasabihin niya, nakipag-isa siya sa mga taong ito at sasabihing 'scammer.'

“Kumikita po siya ng PHP5 million.

“Bukod sa PHP5 million, nakinabang siya sa akin ng pera ng dalawang taong mahigit.

“From 2015, nakinabang siya sa akin. Saan po ang makaturangang sabihin na scammer ako?”

Handa umano si Katheylyn na patunayan sa korte na mali ang akusasyon sa kanya.

Katulad ng sinabi ni Sunshine, sinabi rin ni Kathelyn, "Let the court judge."


Stories We Are Tracking

Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue
Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue
Brunei-based businesswoman lashes back at Ynez Veneracion
Brunei-based businesswoman lashes back at Ynez Veneracion
Ara Mina speaks up on investment in Kathy Dupaya's business
Ara Mina speaks up on investment in Kathy Dupaya's business
Joel Cruz files estafa case against Kathelyn Dupaya
Joel Cruz files estafa case against Kathelyn Dupaya


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN