Wil Dasovich caught in awkward situation with Iya Villania

IMAGE Screengrab from Wil Dasovich's vlog

Wil Dasovich's face turns red after realizing his goofy remark at an event recently. He related, "I tried to tell Iya Villania that i aspired to be like her husband Drew Arellano, but somehow it came out that I told her I wanted to be her husband!"


“Naku po PATAY!”

Ito ang nasabi ni Wil Dasovich nang ilarawan niya ang trending vlog niya tungkol sa unang pagkikita nila ng TV host na si Iya Villania, asawa ng iniidolo niyang si Drew Arellano.

Pormal na nagkakilala sina Iya at Wil sa MYXMusic Awards kamakailan.

Kasama ni Wil na dumalo sa event ang girlfriend niyang si Alodia Gosiengfiao, na isa ring celebrity vlogger/model/cosplayer.

Sa red carpet, nakilala nila ang mga dating MYX VJs na sina Iya, Luis Manzano, at Nikki Gil.

Matapos magpakilala, sinubukan ni Wil na sabihin kay Iya ang paghanga sa asawa niyang si Drew, na host ng travel show na Biyahe ni Drew sa GMA News TV.

“My dream before was to be your husband,” sabi ni Wil kay Iya habang nasa likod niya ang kanyang girlfriend na si Alodia.

Matapos ipakita ang slow-motion video ng mga reaksiyon nina Iya, Luis, Nikki, at Alodia, nag-flash sa video ang: “RIP Here lies Wilodia”

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag ni Wil, “I wanted to be the next Drew.”

Panoorin dito ang kabuuang pangyayari:


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN