JM de Guzman responds to netizen who condemned his past drug addiction

IMAGE Noel Orsal

JM de Guzman uses the title of Kris Aquino's upcoming movie to answer a netizen who condemned his past drug use.


Sinagot ni JM de Guzman ang isang netizen na tinawag siyang "drug addict" at nararapat daw sa kanya ay "tinotokhang."

Nagsimula ito nang magkomento si Kris Aquino sa video post ni JM na kumakanta sa #RealNumbersPH event ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes, May 29.

Ang naturang event ay kampanya ng PNP upang ipaalam sa publiko ang tunay na bilang umano ng casualties kaugnay ng anti-drug campaign ng Duterte administration.

Pinuri ni Kris si JM at sinabing hinahangaan niya ito bilang isang aktor, gaya ng pagganap nito sa indie movie na Tandem (2015).

Pinasalamatan naman ng Araw Gabi star si Kris.



Pero kasunod nito ay may isang netizen na kinutya si JM tungkol sa kanyang paggamit ng ipinagbabawal na gamot noon.

Sabi ng netizen, hindi na magbabago ang aktor at “dapat tinotokhang na agad.”

Itinag pa ng netizen si Kris sa kanyang komento.

Positibo naman ang naging sagot ni JM sa basher.

Ginamit niya ang pamagat ng upcoming movie ni Kris kasama sina Julia Barretto at Joshua Garcia, ang I Love You, Hater.

Ani JM, “I love you hater. Hug kita.”



Ayon naman sa netizen, hindi siya basher ng aktor kundi hinahamon lamang niya ang aktor na tuluyan nang magbago.


Sa kanyang Instagram Story, nag-post naman ng quotes si JM tungkol sa pagbangon sa buhay sa kabila ng mga pagsubok.  

 

Noong January 2018 ay inamin ni JM sa Rated K na na-rehab siya dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Dalawang beses na-rehab ang aktor sahil sa drug addiction.


Stories We Are Tracking

JM de Guzman admits rehabilitation is a life-long struggle
JM de Guzman admits rehabilitation is a life-long struggle
JM de Guzman opens up about drug abuse issue
JM de Guzman opens up about drug abuse issue


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN