Starlet Krista Miller acquitted; drug raps dropped

IMAGE Courtesy: Krista Miller on Facebook

Pagkatapos ng halos dalawang taon ay nakalaya ang starlet na si Krista Miller, kasunod ng pagpapawalang-sala ng huwes sa kasong kinakaharap na may kaugnayan sa droga. 


Nakalabas na ng Valenzuela City Jail ang starlet na si Krista Miller, Kristalyn Engle sa tunay na buhay, noong Biyernes, May 25.

Ito ay matapos mapawalang sala sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Si Krista ay naaresto sa isang buy-bust operation noong September 2016.


Stories We Are Tracking

Krista Miller arrested in buy-bust operation in QC
Krista Miller arrested in buy-bust operation in QC

Nakasaad sa Certificate of Discharge ni Krista na acquitted siya sa kasong kinakaharap, base na rin sa desisyon ng Presiding Judge ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 283.

Ayon sa desisyon ng korte: “The accused is released from confinement after having been acquitted for the crime charged against her for Violation of Section 5, in relation to Section 26, Article II, R.A. 9165 in criminal case 1869-V-16 as per order of released issued and signed in by the HON. SNOOKY MARIA ANA C. BARCENO-SAGAYO, Presiding Judge Regional Trial Court Branch 283, Valenzuela City, dated May 25, 2018.”

Sa kanyang Facebook post noon ding Biyernes, pinasalamatan ni Krista ang Diyos dahil sa kanyang paglaya.

 

Ito ang kauna-unahang post ni Krista sa social media matapos mapiit sa kulungan ng halos dalawang taon.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15,-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN