
Nagpasalamat si Agot Isidro sa agarang aksiyon ng Philippine National Police na bigyan ng pansin ang isang netizen sa Twitter na nagbantang bubuhusan siya ng asido sa mukha kapag makita niya ang singer-actress.
Tatlong magkakasunod na tweets ang ibinahagi ng singer-actress na si Agot Isidro ngayong Miyerkules, May 30.
Kaugnay ito ng banta ng isang netizen na bubuhusan siya ng asido sa mukha kapag malaman nito ang venue ng presscon ng kanyang kasunod na proyekto.
Sa isang tweet, sinabi ni Agot: “Kailangan ba umabot tayo sa ganito?”
Kalakip nito ang screenshot ng tweet ng Twitter user na @RusCo87690206: “Malaman ko lang pres[s]Con mo pupunta talaga ako. I’ll make sure la[p]nos mukha mo sa asido.”
Kailangan ba umabot tayo sa ganito? pic.twitter.com/hLrXWLCYyj
— Agot Isidro (@agot_isidro) May 30, 2018
Isa pang screenshot ang ibinahagi ni Agot mula sa pareho pa ring Twitter user.
— Agot Isidro (@agot_isidro) May 30, 2018
Kasunod nito ang tweet mula sa @PNPHotline.
Pinaalalahanan ng ahensiya ng gobyerno ang netizen na puwede itong kasuhan dahil sa kanyang pagbabanta kay Agot.
Salamat, @PNPhotline. pic.twitter.com/Gofh2pijrM
— Agot Isidro (@agot_isidro) May 30, 2018
Sa ngayon, suspendido na ang Twitter account na @RusCo87690206.
Sabi pa ng singer-actress sa isa niyang tweet, "Thank you for reporting, guys. I think suspended na sya. Mag-ingat tayong lahat. #PanahoNgHalimaw kasi."
Thank you for reporting, guys. I think suspended na sya.
— Agot Isidro (@agot_isidro) May 30, 2018
Mag-ingat tayong lahat. #PanahoNgHalimaw kasi. ????
Hindi ito ang unang pagkakataong nakatanggap ng pagbabanta si Agot mula sa mga hinihinalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Agot ay kilalang kritiko ng Pangulo.