Sunshine Cruz to businesswoman Kathelyn Dupaya: "Kita tayo sa korte."

IMAGE Instagram photo of Katheylyn Dupaya

Sunshine Cruz stands by her accusation against Brunei-based businesswoman Kathelyn Dupaya, "Wala akong niloko, inutangan, inapi o kinawawa. Our friendship is different from the business we agreed on Mrs. Dupaya and you know that for a fact." In this photo, Sunshine is seen with Dupaya and the actress' boyfriend, Macky Mathay.


Inalmahan ni Sunshine Cruz ang pagpapa-interview ng Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya kaugnay ng mga akusasyon ng ilang investors, kabilang na ang aktres, laban sa negosyante.

Ayon sa aktres, dahil sa pagpapatawag ng mga press conference ni Dupaya, samu't saring opinyon ang natatanggap niya ngayon mula sa publiko.

Sa kanyang Facebook post kahapon, May 30, sinabi ni Sunshine, “There is always a proper venue/forum to prove everything.

“Both parties decided to bring this issue sa court.

“Halos talupan ako ng mga tao now on social media because of her accusations.

“Boldstar, user, plastic, manggagamit, etc.

“Expected that they will hate me after all her stories about our supposed friendship habang nagwawala at umiiyak on national tv.”

Sa kabila nito, nanindigan si Sunshine.

Aniya, “Wala akong niloko, inutangan, inapi o kinawawa.

"Our friendship is different from the business we agreed on Mrs. Dupaya and you know that for a fact."

Sa pinakahuling panayam ng media kay Dupaya, sinabi niyang pinaka nasaktan siya sa paratang diumano ng kanyang “BFF” o malapit na kaibigang si Sunshine.

“Hindi ko po ine-expect na ilalaglag niya ako sa kabila po ng lahat,” sabi ng negosyante.


Stories We Are Tracking

Sunshine Cruz breaks silence on claims of Kathelyn Dupaya
Sunshine Cruz breaks silence on claims of Kathelyn Dupaya

Sa kasunod na post ni Sunshine, isa-isa niyang sinagot ang mga tila panunumbat ni Dupaya sa kanya.

Kabilang na rito ang diumano'y pagdala ni Dupaya kay Sunshine sa Europe at Singapore, pati na ang pagbili umano niya ng mga damit para sa aktres.

Kaugnay nito, ibinalik ni Sunshine ang umano'y sinabi sa kanila noon ni Dupaya.

“Sabi mo noon sa amin iba ang friendship sa business? Iba ang bigay sa utang.

“Bakit ngayon dinadaan mo sa paninira at pamemersonal?”

Diin pa ng aktres, “Focus on the issue and explain all those documents you have in court.

“Nakakaawa ang kids mo of course! Pero nakakaawa din ang kids ko sa ginagawa mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Im working hard to provide for them and you are destroying your victims because you can’t deliver.

“Huwag daanin sa drama. If you only delivered or nakipag-usap privately sa abugado ko, walang ganito.”

Sa huli, sinabi ni Sunshine na isang character assassination ang ginagawang pagpapa-interview ni Dupaya sa media sa halip na idaan sa legal na paraan.

Kaya naman sa kanyang huling post, sinabi ng aktres, “May justice to the victims prevail. Kita tayo sa korte.”

Bukod kay Sunshine, may investment din ang mga kapwa niya artistang sina Ynez Veneracion, Dianne Medina, at Ara Mina sa negosyo ni Dupaya.

Samantala, ang perfume magnate na si Joel Cruz ay nauna nang naghain ng reklamong estafa laban sa Brunei-based businesswoman.


Stories We Are Tracking

Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue
Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue
Ara Mina speaks up on investment in Kathy Dupaya's business
Ara Mina speaks up on investment in Kathy Dupaya's business
Joel Cruz files estafa case against Kathelyn Dupaya
Joel Cruz files estafa case against Kathelyn Dupaya
Brunei-based businesswoman lashes back at Ynez Veneracion
Brunei-based businesswoman lashes back at Ynez Veneracion


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN