Sharon Cuneta dreams of sharing the stage with Regine Velasquez

IMAGE Instagram (@reginevalcasid) / Noel Orsal

Megastar Sharon Cuneta (right) to Asia's Songbird Regine Velasquez (left): "I pray that one day, my dream of sharing the stage with you will come true!"


Hangad ni Sharon Cuneta na makasama sa entablado si Regine Velasquez.

Ipinahayag ito ng Megastar sa komento niya sa Instagram post ng Asia's Songbird ng isang Bible verse ngayong Huwebes, May 31.


Nagkomento rito si Sharon at sinabing ipinagdarasal niyang makasama sa isang concert si Regine.

Aminado rin ang 52-anyos na actress/singer/host na hinahangaan niya ang Kapuso singer.

Mensahe ng Megastar: “I pray that one day, my dream of sharing the stage with you will come true! Love and adore you, Regine!”


Naging positibo naman ang reaksiyon ng ilang mga tagasuporta ng dalawang higanteng artista sa Philippine showbiz.


Nagkaroon na ng duet sina Sharon at Regine sa ilang television shows, pero hindi pa sa isang concert. 

Samantala, tuloy na tuloy ang concert ni Sharon sa Bacolod sa kabila ng pagsailalim sa isang surgery kamakailan.

Sa kanyang Instagram, sinabi ni Sharon na nararamdaman niya ang sakit ng kanyang sugat.

Pero hindi raw niya ipagpapaliban ang two-day concert na gaganapin sa SMX Convention Center sa SM City Bacolod, sa June 1 at June 2.

“Masakit ka pa rin pero basta magko-concert ako!” bahagi ng caption ng Megastar.

April 2018 nang tanggalin ang lipoma sa batok ni Sharon.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta recovering after surgery to remove lipoma
Sharon Cuneta recovering after surgery to remove lipoma
Sharon Cuneta gets more love from family after her surgery
Sharon Cuneta gets more love from family after her surgery


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN