Andrea Brillantes brushes off bashers: "Sanay na ako. Hindi ko na lang sila pinapansin."

IMAGE Instagram photo of Andrea Brillantes

"Ang daming rason para hindi magpa-stop doon sa hate at negative in life," says Andrea Brillantes on negative comments about her.


Sanay na sanay na raw si Andrea Brillantes na makabasa ng negatibong komento tungkol sa kanya.

Ayon sa 15-year-old actress, sinusubukan niyang huwag maapektuhan ng anumang hindi magagandang opinyon tungkol sa kanya.

“Ang unang-unang bash, yun ang pinakamasakit, kasi hindi ka sanay,” sabi ni Andrea nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng iniendorso niyang Careline Kiss Sticks, kahapon, May 30.

Patuloy ng ABS-CBN artist, “Ngayon kasi, sanay na ako.

“Parang half ng life ko, artista na ako, so maraming negative [comments].

“Sanay na ako. Hindi ko na lang sila pinapansin.

“Kasi, bakit ko papansinin kung yung bad side, meron namang good side parati.

“Hindi ako makakakilos kapag na-stuck ako sa mga pinagsasabi nila, e.

“Sa lahat ng gagawin mo, laging mayroong hindi mag-a-agree, laging may ayaw sa 'yo.

“So, gawin mo lang ang gusto mo kasi idya-judge ka rin naman.”

Diin pa niya, “Mas marami pa rin naman ang nagmamahal sa 'yo.

"Nandiyan naman si God. Pray ka lang parati kapag nahihirapan ka.

“That's what I do kapag nahihirapan ako o kapag may isang bashing na natamaan ako, magpe-pray lang ako.

“'Tapos hindi ko na lang siya papansinin kasi may fans ako na mahal ako, may family ako, may dogs ako, and may animé ako na pinapanood ko every day.

“Ang daming rason para hindi magpa-stop doon sa hate at negative in life."

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on



Samantala, dahil “toxic” na raw ang social media, iniiwasan ni Andrea na mag-check nito hangga't maaari.

“Sometimes lang,” sabi niya.

“Hindi na rin kasi ako ma-phone. Medyo nag-internet detox ako.

“Pinagkakaabalahan ko lang is kapag wala akong ginagawang work ay manood ng Naruto.

“Yun lang, kasi ang dami kong kailangang panoorin na episodes.

“Hindi na talaga ako nag-i-internet na masyado kasi masyado nang toxic.

“Ayaw kong magpadala sa toxic kaya happy ako ngayon kahit anong sabihin nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN