Maine Mendoza bonds with Pokwang's family; Lee O'Brian posts family photo with Kapuso star

IMAGE Lee O'Brian Instagram

Pokwang's American boyfriend Lee O'Brian posts a photo of their family with Kapuso star Maine Mendoza.


Ibinahagi ng American boyfriend ni Pokwang na si Lee O'Brian ang ilan pang larawang kuha sa pagbisita ni Maine Mendoza sa kanilang four-month-old baby na si Baby Malia.

Kabilang na rito ang larawan ng pamilya ng Kapamilya comedienne kasama ang Kapuso star.


Sa caption, ipinahayag ni Lee ang kasiyahan sa pagbisita ng Eat Bulaga! host sa kanilang baby at pakikipag-bonding sa kanila.

Kasama rin ni Maine na dumalaw sa pamilya ni Pokwang ang kaibigang advertising executive.

Umaasa rin ang American actor na maulit ito.

Mensahe ni Lee, “Great to hang and 'kakain Mabuti' kahapon, @mainemendoza and @marjso!! And @malia_obrian had a great time, too, seeing you!! Let’s do it again soon!!”



 

Bago ito ay nai-post din sa Instagram account ni Baby Malia ang iba pang mga kuha sa pagbisita ni Maine noong Lunes, April 28.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza visits Pokwang's baby
Maine Mendoza visits Pokwang's baby


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN