Jessy Mendiola slams body shamers: "Dami niyo sinasabi."

IMAGE Instagram (@senorita_jessy)

Jessy Mendiola to her critics: "Sa mga nega dyan, kalma kayo. Exercise din kayo para sumaya naman kayo, kailangan niyo ng endorphins eh."


Binuweltahan ni Jessy Mendiola ang kanyang mga kritiko kaugnay ng pagpapapayat niya.

Biktima ang Kapamilya actress ng body-shaming, partikular nang hirangin siyang Sexiest Woman noong 2016 ng FHM.

Naging tampulan ng pambabatikos si Jessy dahil hindi raw siya ganun kaseksi noong mga panahong iyon.


Stories We Are Tracking

Jessy Mendiola's mom hits back at bashers
Jessy Mendiola's mom hits back at bashers
Jessy Mendiola on being FHM's Sexiest Woman: Surreal
Jessy Mendiola on being FHM's Sexiest Woman: Surreal

Recently ay nag-focus ang aktres sa pagiging fit, at sunud-sunod ang kanyang posts sa social media upang ipakita ang pagbabago sa katawan niya.

Pero patuloy siyang nakatatanggap ng pamumuna, kaya nag-post si Jessy ng pahayag sa Instagram Story kamakalawa.

Mensahe ng aktres, “Nung malaman ako, dami niyo sinasabi.

“Ngayon pumayat ako, dami niyo din sinasabi.

“Proud ako maka-lose ng 27lbs, ok lang? Masama ba?”

Buwelta ni Jessy sa bashers, “Sa mga nega dyan, kalma kayo.

“Exercise din kayo para sumaya naman kayo, kailangan niyo ng endorphins eh.”

Dugtong pa ng 25-anyos na aktres, “BTW I worked hard for this. Hirap kaya magpakahealthy.

“Yun lamang.

"End of rant.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN