Sam Concepcion disgusted by toxicity in social media

IMAGE Instagram photo of Sam Concepcion

Sam Concepcion on toxic people in social media: "If you're under 18 and you're toxic online, your mom better know what you're doing. If you're an adult on the other hand, well u have some growing up to do."


Sobra na nga ba ang pagka-toxic ng mga tao sa social media?

Ito ang naging obserbasyon ni Sam Concepcion na ibinahagi niya sa kanyang Twitter followers noong Miyerkules, May 30.

Aniya, “The toxicity in social media is so disgusting sometimes.”

Dagdag pa niya, “If you’re under 18 and you’re toxic online, your mom better know what you’re doing.

“If you’re an adult on the other hand, well u have some growing up to do.”

Marami sa followers ni Sam ang sumang-ayon sa kanyang obserbasyon tungkol sa social media.

Dahil dito, ipinagtataka ni Sam kung bakit tila walang sumalungat sa kanyang obserbasyon.

Sabi ng singer-actor, “It’s interesting how I got zero negative feedback from this. Everyone agrees. So even the trolls know this is true?”

Samantala, may ilan namang nagpayo kay Sam na hayaan na lang ang mga “toxic” sa social media.

Sa halip, manatili na lamang daw siyang inspirasyon sa kanyang followers at fans.

May iba namang nagpayo na mag-social media detox muna si Sam.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN