Mister International 2014 Neil Perez hospitalized after motorcycle accident

IMAGE Instagram (@neil23perez)

Police officer and Mister International 2014 Neil Perez got involved in a motorcycle accident this Friday morning, June 1.


Nasangkot sa isang motorcycle accident si Mister International 2014 Neil Perez—Mariano Perez Flormata Jr. sa totoong buhay—nitong Biyernes ng umaga, June 1.

Ayon sa manager ni Neil at beauty-queen maker na si Jonas Gaffud, kasalukuyang naka-confine sa Metropolitan Medical Center sa Sta. Cruz, Manila, ang police officer-turned-pageant winner.

Sa pamamagitan ng direct messaging sa Facebook ngayong hapon, nagbigay ng update si Jonas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kundisyon ngayon ni Neil.

Kakatapos lang daw sumailalim sa CT scan ni Neil.

Kuwento ni Jonas, "Buti walang nabali sa katawan.

"Sa face lang, medyo inoobserbahan, kasi may basag yata na buto."

Napag-alaman din ng PEP.ph mula kay Jonas na pansamantalang nawalan ng memorya si Neil dahil sa insidente.

"Pero okay naman. Nakakaalala na uli.

"Kasi kanina, paulit-ulit siya at di nga maalala mga bagay...

"Pero nagsasalita na siya ngayon."

Si Neil, 32, ay bomb explosives technician ng Aviation Security Group ng Philippine National Police.

Pinasok niya ang pagmomodelo, kasunod ang male pageantry, at kalaunan ay ang pag-arte.

Siya ang kinatawan ng Pilipinas sa Mister International 2014 sa Seoul, South Korea.

Inuwi ni Neil ang korona upang maging kauna-unahang Pilipino na nanalo sa naturang male beauty pageant. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN