Julie Anne San Jose not "fully contented" with the way her career is going

IMAGE Noel Orsal

Julie Anne San Jose: "I can't really say that I'm fully contented with whatever I have right now. Yung hunger at yung thirst for the knowledge, for the experience, hindi mawawala for me."


Labing-isang taon na sa showbiz si Julie Anne San Jose.
 
Kuntento ba siya sa naging takbo ng career niya sa loob ng panahong iyon?
 
Sagot ng 24-year-old Kapuso singer-actress, “Well, I can’t really say that I’m fully contented with whatever I have right now.

“I want to do more stuff, I want to do more.
 
“Kumbaga, yung hunger at yung thirst for the knowledge, for the experience, hindi mawawala for me. 

“Yun nga po, since bata pa po ako, marami pa akong gustong gawin, marami pa akong gustong i-explore. 
 
“I think, yung contentment na yun na masasabi ko, hindi pa siya present for me now.  

“But I can say na I’m content dun sa mga taong nakapaligid sa akin.
 
“At saka, sobrang happy po ako dun, nag-stick sila from day one, hindi nila ako iniwan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne noong May 24 sa GMA Network Center.

GOODBYE TO WHOLESOME IMAGE? Isa si Julie Anne sa mga artistang may wholesome image.

May pressure ba na ma-maintain ito?
 
Sagot ng Kapuso star, “Hindi naman po. I just wanted to be myself, that’s all.

"Yung pagiging wholesome or daring or kahit anong image pa iyan, depende naman sa pagki-carry mo or sa pagdadala mo sa sarili mo."
 
Nasabi rin ni Julie Anne na mapapanood na siya sa mas mature at daring roles.

Tatapusin lang muna niya ang teleseryeng My Guitar Princess ng GMA-7.

Handang-handa na ba si Julie Anne na mas maging mature at daring?
 
“I don’t know,” sambit niya.
 
Dagdag niya, “Daring, in a way, when it comes to character.  

“Yung alam ko na mas pag-iisipan ko yung character ko.  
 
“At saka daring in a way na hindi ko usual na ginagawa.
 
“Madalas ko kasing gawin, drama, sweet-sweet-an.

“So, gusto ko po sana, if ever, mas may malalim yung character, yung role.”
 
Yung may kissing scene, love scene?
 
“I don’t know!” natawang sagot niya. “Hindi ko pa nakikita yung sarili ko sa ganyan.”
 
Sa palagay raw niya, handa na rin ang fans niyang makita siya sa mature roles.
 
“Yeah, I think, opo. And I think it’s about time also na may makita silang bago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like, after this soap [My Guitar Princess], I hope to do movies also, sana.”

Open ba si Julie Anne sa indie films?

Sabi niya, “I’m okay with indie film as long as it’s a good story. Maganda ang character, maganda ang role.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN