Julie Anne San Jose ignores comparison to Sarah Geronimo: "Wala po sa akin yun."

IMAGE Arniel Serato

For Julie Anne San Jose, her music and her craft are all that matter: "Makilala ka for your music, for who you are, okey na po ako dun."


Sa isang Instagram post ng talent manager-columnist na si Lolit Solis, may obserbasyon na tila kulang daw ng sensuality si Julie Anne San Jose bilang singer sa kabila ng husay niya.
 
Kumpara raw kay Sarah Geronimo at iba pang establisadong singers, nasa gitna pa lang ang tinaguriang Multimedia Princess ng GMA-7.
 
Reaksiyon dito ni Julie Anne, “For me naman, wala naman po sa akin yung stature or whatever.

“Wala po talaga sa akin yun. Kumbaga, yung stature, parang bonus na lang po yun.
 
“I just really want to inspire people. I just really want to make music, that’s all. Yun lang po talaga.
 
“It’s nice na mabigyan ka ng recognition, makilala ka for your music, for who you are.  Okey na po ako dun.

“At saka yung music, okey na po yun for me. Yung music lang, at saka yung craft.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa GMA Network Center noong May 24.

ADMIRING REGINE. Inamin ni Julie Anne na sa lahat, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang pinapangarap niyang matularan.
 
“Sino naman po ang hindi, di ba?” natawang sabi niya.

“I mean, si Ate Reg yun. Ate Regine is Ate Regine.

"I’ve always dreamed to be like her someday.  

“May mga hits, may mga sariling kanta. Marami po siyang magagandang songs.
 
“Yun naman po ang importante for me, at ang sarap ng feeling na masabayan ng mga tao ang sarili mong kanta.

“Parang ang sarap lang sa feeling ng ganun.
 
“Every time na may kakanta ng kanta ko, parang, wow, I feel appreciated.”
 
Sobra raw na naa-appreciate ni Julie Anne si Regine na sa status nito ngayon, nararamdaman niya kung paano ito mag-give back sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga katulad niya sa industriya.
 
“Sobrang nakakataba ng puso.
 
“Yung support niya, parang... basta, ate ko na po talaga siya.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakataba lang po ng puso na yung idol mo, sinusuportahan ka niya.

“Every time na magpu-post siya sa Instagram, 'Please watch it. Ganito-ganyan.'

"Nakakataba po talaga ng puso.”

Kuwento pa niya, “Sobrang nilu-look up ko na po siya ever since I started here... actually, ever since I was young.
 
“Actually, yung mga kanta pa nga po niya, kinakanta ko na noon, sa tape pa.

“Nire-record ko sa cassette ’tapos pinapadala ko kay Papa sa Taiwan, kasi nagtatrabaho po siya sa Taiwan.

“Pinapakinggan niya, bata pa po ako nun, mga two-and-a-half or or three years old."

Pagkatapos ng matagumpay na concert na 3 Stars 1 Heart sa ilang lugar dito sa Pilipinas, magkakasama muli sina Julie Anne at Regine, kasama rin si Christian Bautista, sa June 16 sa Dubai World Trade Center, kunsaan doon naman sila magpe-perform.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN