Netizen calls out Hashtags member Nikko Natividad for alleged rude behavior

IMAGE Courtesy: @hashtag_nikko on Instagram

Inakusahan ng isang netizen si Nikko Natividad na diumano'y masama ang ugali dahil sa pagmumura raw ng Hashtags member sa kanyang ina at pag-iwas na magpa-picture.


Isang 16-year-old netizen ang nag-rant sa Twitter tungkol sa hindi umano magandang karanasan nila ng kanyang mga kasama sa Hashtags member na si Nikko Natividad.

Kuwento ni @IvyDCBernardo, nakita nila umano sa isang mall sa Quezon City noong May 27, Linggo, ang Hashtags member kasama ang isang babae na hinihinala nilang girlfriend nito.

Gusto raw sana ng mga kasamahan ng netizen na magpa-picture kay Nikko, ngunit inilayo raw ito ng girlfriend at pinagsuot ng shades.

Dahil daw rito kaya nakapagsalita ang ina ng netizen ng hindi maganda tungkol sa ABS-CBN talent.

Patutsada pa ng netizen kay Nikko, "Gwapo mo sana eh, bastos ka lang. Wala ka bang mama?"

Muli raw nakita ng kanilang grupo si Nikko sa loob ng isang clothes shop.

Susubukan daw sana nilang magpa-picture ulit, ngunit tila inilayo na naman daw si Nikko ng kasama nitong babae.

Kasunod daw na eksena ay hindi na talaga nila nagustuhan dahil minura diumano ni Nikko ang ina ng netizen.

"Tapos nagsalita si Mama. Malayo kami pero dinig si mama, sabi nya 'jusko pa shade shade pa di naman masyadong sikat hayaan na natin sya.'

"Kasi parang ayaw nya talaga, ang arte nung datingan nya.

"Tas pag lakad ni Mama sabi ni Nikko kay Mama, 'F*ck you ka.'

Sabi pa ng netizen, mabuti na lamang daw at nasa loob ng isang boutique ang Hashtags member dahil kung hindi ay baka ano na ang nangyari rito.

"May accent" pa raw ang pagmumura ni Nikko.

Narito ang ilan pang tweets ni @IvyDCBernardo:

IS THIS NIKKO'S RESPONSE? Samantala, pagkalipas ng isang araw, noong May 28, isang tweet naman tungkol sa pagsusuot ng shades ang ibinahagi ni Nikko sa kanyang followers.

Saad niya, "Hindi shades ang basihan ng pagiging sikat. Kahet sinu kahet anu kahet saan pwede ka mag shades, basta trip mo."

Ito kaya ang sagot ni Nikko sa netizen?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaari pang ihayag ni Nikko Natividad tungkol sa isyung ito.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15,-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN