Did Ai-Ai delas Alas have a rift with Ex-Batallion?

IMAGE Courtesy: @pepalerts on Instagram

Nagkaroon nga ba ng problema sa pagitan ni Ai-Ai delas Alas (center) at ng alaga nitong grupo na Ex-Batallion? Nag-post kasi si Ai-Ai sa Instagram ngayong Sabado ng hapon na magli-leave of absence muna siya bilang manager ng grupo, ngunit binura din niya ito pagkalipas ng ilang oras.


Nagkaproblema nga ba sa pagitan nina Ai-Ai delas Alas at ng alaga nitong grupo na Ex-Batallion?

Ikinagulat kasi ng ilang mga nakabasa sa Instagram post nito ngayong araw ng Sabado, June 2, ang kanyang mensahe sa mga nais kunin ang serbisyo ng all-male rap group.

Sabi ni Ai-Ai, “Effective June 4, 2018, I, together with Ms. Ma. Lourdes Gonzales, will be taking a month-long leave of absence as talent manager and road manager of Ex-Batallion.

“Should you wish to engage their services for your events, please contact James Samonte, the most senior member of the group thru their official Facebook page or Instagram account.

“Thank you.”

Sabi niya sa caption, “Good pm. FYI maraming salamat.”


Nagkasama pa kasi sa isang presscon kahapon, June 1, sina Ai-Ai, ang Ex-Batallion, at ang Viva Entertainment group para sa isang partnership para sa isang concert at pelikula.

Nagkaroon kaya ng problema ang dalawang kampo pagkatapos ng event?

Ilang oras makalipas ang pag-post ni Ai-Ai ngayong hapon, binura din niya ito.

Ibig kayang sabihin, nagkaayos na ang dalawang partido?

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ni Ai-Ai, ng Ex-Batallion, o maging ng Viva Entertainment tungkol sa isyu.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN