Director Mike de Leon bids goodbye to Atom Araullo: "May we never cross each other's path again."

IMAGE Citizen Jake Facebook

Director Mike de Leon to netizens who seem to be 'enjoying' his word war with Atom Araullo: "to you guys, spare us your moral indignation, stop watching the mike/atom a_hole show and start watching what is happening to this unfortunate country because the forces of darkness and evil are upon us again."


Tila gusto nang tapusin ng beteranong direktor na si Mike de Leon, 71, ang anumang ugnayan nila ng broadcast journalist na si Atom Araullo, 35.

Si Mike ang direktor ng pelikulang Citizen Jake, kung saan si Atom ang pangunahing bida.

Unang naghayag si Direk Mike ng kanyang "disappointment" kay Atom, sa pamamagitan ng Facebook post, noong May 21.

Pagkalipas ng mahigit isang linggo, noong May 30, si Atom naman ang naghayag ng kanyang saloobin sa Facebook tungkol sa pakikipagtrabaho niya sa direktor, na tinawag niyang "deeply troubled person."

Makalipas lamang ang ilang oras, kaagad itong sinagot ni Direk Mike.

Tinawag naman niyang "hypocrite" at "narcissistic" si Atom.


Stories We Are Tracking

Mike de Leon takes a swipe at <em>Citizen Jake</em> star Atom Araullo
Mike de Leon takes a swipe at Citizen Jake star Atom Araullo
Atom cries foul over Direk Mike
Atom cries foul over Direk Mike "besmirching" his reputation
Mike de Leon accuses Atom Araullo of being a hypocrite
Mike de Leon accuses Atom Araullo of being a hypocrite

Kahapon, June 2, muling naghayag ng kanyang saloobin si Direk Mike tungkol sa "mike/atom a_hole show."

Ito ay bilang reaksiyon sa artikulong isinulat ni Bayani San Diego Jr., na may titulong "An ‘Atomic’ war with ‘Citizen’ Mike," na nailathala sa Philippine Daily Inquirer noon ding araw na iyon.

Ang nilalaman ng artikulo ay ang lumabas na Facebook post ni Atom at ang sagot dito ni Direk Mike.

GOODBYE, ATOM ARAULLO. Sa kanyang bago at posibleng huling FB post tungkol kay Atom, sinabi ng veteran director na hindi niya itinatago ang ilang mga bagay na sinabi ng broadcast journalist tungkol sa kanyang pagkatao.

"It is amusing that you, AA have said a lot of things about my character that I have never tried to hide.

"I am an open book in the business, my bipolar disorder and fits of rage are showbiz fodder.

"But so is my creativity which pretend-artists can never match. so i dont need any help.

"and besides my career is just about over while yours is just beginning, with a great deal of help from your social media fans, your new network, and your narcissism."

Kasunod nito ay pinatutsadahan ni Direk Mike ang mga netizen na tila nag-e-enjoy sa away nila ni Atom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip daw na dito ituon ang kanilang atensiyon, mas importante raw na pagtuunan ng pansin kung ano ang nangyayari ngayon sa bansa.

Higit daw nakakabahala ang napipintong pagbabalik sa kapangyarihan ng mga Marcos, na hayagan niyang tinuligsa sa Citizen Jake.

Ayon kay Direk Mike, "social media is teeming with people who try to present themselves as morally superior yet they continue to enjoy the spectacle of a good show.

"to you guys, spare us your moral indignation, stop watching the mike/atom a_hole show and start watching what is happening to this unfortunate country because the forces of darkness and evil are upon us again.

"haven't you heard? marcos jr is a heartbeat away from the presidency, imee will advice bongbong how to do away with duterte once they don't need him anymore, and imelda, although ugly and fat now...is still alive."

Ang maliit na alitan daw nila ni Atom ay walang halaga at hindi na dapat pansinin kumpara sa totoong nangyayari ngayon sa ating bansa.

Dagdag pa ni Direk Mike, bilang pagtukoy sa Citizen Jake, "But the work we are leaving behind is something apart from us and stands on it own merits.

"in fact, more people should watch it now because it has become prophetic and more relevant than ever."

Sa huling bahagi ng kanyang FB post ay nag-iwan si Direk Mike ng mensahe ng pamamaalam para kay Atom.

"And so my only warning to AA as we say goodbye or good riddance to each other is this.

"Your life is still a closed book. Be careful, my friend, because people are now dying to force it wide open. I wonder why.

"goodbye, atom araullo. I have my film and you have your Marawi/Mcdo/Bakwit commercial.

"I am confident that both will stand the test of time. may we never cross each other's path again, not here, nor in the afterlife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"but wait, we both don't believe in that. so never. - your director and the creator of Citizen Jake, Mike De Leon.

"btw, get rid of your manager, he's bad news."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN