Julia Barretto and Loisa Andalio have girl bonding; Ronnie Alonte reacts

IMAGE Twitter account of Ronnie Alonte / MYCHOS.com

Ronnie Alonte on Julia Barretto-Loisa Andalio girl bonding session: "Cool."


Mukhang hindi apektado sina Julia Barretto at Loisa Andalio sa pagsasabong sa kanila ng ilang fans sa social media.

Noong Biyernes, June 1, kumalat ang litrato ng dalawa na nagba-bonding habang kumakain sa isang Korean barbecue restaurant.

May nakakita rin sa kanilang magkasama sa isang coffee shop.

Nagkaroon ng isyu ang dalawa kamakailan kung saan nag-away-away ang kanilang fans.

Ito ay matapos bigyan ng kulay ng ilang netizens ang pagre-retweet ni Julia sa isang post na nagsasabing "Ang kay Julia ay kay Julia lang."

Matapos nito ay nilinaw ni Julia ang post at sinabing wala itong kinalaman sa pagkakapareha kay Loisa sa rumored boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia.

Saad niya sa kanyang tweet, "Stop pitting women against each other. It’s not cute."


Stories We Are Tracking

Julia slams third-party rumor involving Joshua
Julia slams third-party rumor involving Joshua
Loisa Andalio shrugs off bashing from JoshLia fans
Loisa Andalio shrugs off bashing from JoshLia fans

RONNIE REACTS. Samantala, kapansin-pansin naman ang maikling reaksiyon ng Hashtags member na si Ronnie Alonte nang makita ang mga litrato nina Julia at Loisa na magkasama.

Ito ay matapos makita sa Twitter ang post ng isang netizen na may handle na @asdfghjkloinie na nagpa-picture kina Julia at Loisa.

Base sa kanyang handle, isang LoiNie fan ang netizen, o ang tawag sa fans ng love team nina Loisa at Ronnie.

Sagot ni Ronnie sa tweet ng netizen, "Cool. [laughing emoji]."


Matagal nang bulung-bulungan sa showbiz na may namamagitan kina Loisa at Ronnie.

Nito lang Miyerkules, May 30, nag-post pa si Ronnie ng litrato nila ni Loisa at sinabing, "Ang akin habang buhay na."

Noong Huwebes naman, May 31, nag-post din si Loisa sa Instagram ng picture nila ni Ronnie, kung saan tinawag niya itong "Bebeh of my life."

Bagamat wala pang inaamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon, aminado sina Loisa at Ronnie na mayroon na silang "mutual understanding."


Stories We Are Tracking

Loisa Andalio calls Ronnie Alonte
Loisa Andalio calls Ronnie Alonte "Bebeh of my life"
Loisa Andalio explains why she calls Ronnie Alonte
Loisa Andalio explains why she calls Ronnie Alonte "Baby"

Samantala, si Ronnie naman ay naging ka-love triangle nina Julia at Joshua sa pelikulang Vince and Kath and James (2016).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay naging magka-love team sina Julia at Ronnie sa teleseryeng A Love To Last (2017).

Si Loisa naman ay naunang naging ka-love team ni Joshua sa teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (2015) at ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya.

Nitong 2017 ay muling nagtambal ang dalawa sa teleseryeng The Good Son, na nagtapos noong April 2018.


ABOUT THE AUTHOR

TV addict-turned-PEP Guide writer. Follow @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN