Kris Aquino says joke about "James" proves that she has moved on

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino: "There are some people who took the James joke the wrong way. But I think you should appreciate the fact that we have moved forward this much that I can joke about it."


Isang patunay na naka-move on raw talaga si Kris Aquino sa dating asawang si James Yap ang ginawa niyang pagbibiro sa Instagram.

Sa kanyang Instagam post noong May 27, ipinakilala ni Kris ang isang bagong katrabaho bilang “the new James in my life.”

Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

May ilang nagsabing mag-move on na raw sana si Kris dahil tila bitter ito sa masayang buhay ngayon ng dating asawa.

May ilan ding nagsabing tigilan na sana ni Kris ang paggamit kay James para pag-usapan ito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris sa launching ng kanyang make-up line na Kris Life Kits para sa Ever Bilena noong May 31, nilinaw niya ang paggamit ng James sa kanyang IG post.

Pahayag niya, “There are some people who took the James joke the wrong way.

“But I think you should appreciate the fact that we have moved forward this much that I can joke about it.”

Paliwanag pa ni Kris, “Yung big boss ng Nutri Asia, ang pangalan niya, James.

“Masama ba, e, millions ang ibabayad sa akin? Masama bang mahalin ko yung James na yun?

“Thank you to him, thank you Nutri Asia, and I’m so proud kasi, binibilang namin, so many Filipino companies are investing with me.”

JOSHLIA. Ibinuking naman ni Kris ang bunsong anak na si Bimby na sobrang "in love" daw ngayon kay Julia Barretto.

Kasama ni Kris si Julia at ang ka-love team at rumored boyfriend nitong si Joshua Garcia sa pelikulang I Love You, Hater.

Kuwento ni Kris, “Bimb is just so in love with her, in love na talaga, hindi na crush.

“Sabi niya, ‘Mama, I just wanna make her happy for the rest of her life.’

“Nandun siya talaga sa mode na yun, naghihintay lang siyang pumalpak si Joshua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Binibilang niya, e… ‘Mama, when I’m 21, Ate Julia will only be 31, it can happen.’

“Natatawa talaga ako!”

Ayaw namang magbigay ng pahayag ni Kris tungkol sa pinagdaanang pagsubok at intriga ng relasyong JoshLia.

Ayon kay Kris, “I want to give them their privacy and allow them to speak for themselves.

“The only thing that I do see is that there’s definite love, there is a lot of respect, and there is give and take.

“Nagtutulungan sila sa eksena, yun talaga, and they know they are team.”

May ibinigay ba siyang payo kay Joshua sa nangyari?

“Hindi naman, sinabi ko lang, ‘Please be good.’

“We did something together for a mutual endorsement.

“I really just told him that being 21 up to 25, you have four years, after that, you don’t know.

“We have such a young population, sinabi ko talaga, ‘Embrace this for what it is coz this is really fleeting. Dadaan ito at lilipas ito.

"'Pero sobrang talented ka, pero ngayon na pumapasok na ang big endorsements, alagaan mo.’

“The two, they ask the director, they really treat it as a craft."

Noong June 1 ay umalis si Kris at ang mga anak niyang sina Joshua at Bimby papuntang Japan para sa 23rd birthday ng panganay na anak ng TV host-actress sa June 4.

“Napaalam ko dahil nga nag-adjust ng playdate.

“It’s not fair that Bimb got to spend it in Tokyo, so we will spend it Tokyo also."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN