Jeric Teng speaks up about stabbing incident involving brother Jeron, two other basketball players

IMAGE SPIN.PH / GMA News

PBA player Jeron Teng (left) and former De La Salle University teammate Thomas Torres (not in photo) are currently recovering from stabbed wounds after getting involved in an altercation outside a bar in BGC. Meanwhile, PBA player Norbert Torres (right) acquired 11 stitches on his right arm.


Kasalukuyan nang nagpapagaling ang PBA players na sina Jeron Teng at Norbert Torres at ang dating Green Archers na si Thomas Torres matapos silang masaksak sa naganap na altercation sa parking lot ng isang bar sa Taguig City nitong Linggo ng madaling-araw, June 3.

Read: Jeron Teng, Norbert Torres, Thomas Torres stabbed in BGC parking lot melee

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News sa kapatid ni Jeron na si Jeric Teng ngayong hapon, deep cut ang natamo ni Jeron dahil sa pananaksak.

Sabi ni Jeric, "It was a deep cut, sa likod pa, so sa side din.

"So he was very lucky dahil puwedeng natamaan yung vital organs, pero buti wala."

Nauna nang inilabas ang police report kung saan arestado ang tatlong suspek na kinilalang sina sina Edmar Manalo, Joseph Varona, at Willard Basili.

Ayon sa police report, naglalakad umano ang grupo nina Jeron sa parking lot ng Early Night bar sa Bonifacio Global City nang makita nila ang grupo ng mga suspek.

Ang pangyayari ay nagresulta sa isang "heated argument and brawl."

Dalawa rin daw sa grupo nina Jeron ang "seriously stabbed by still unknown object."

Agad na isinugod ang tatlong basketball players sa St. Luke's Medical Hospital sa BGC.

Patuloy ni Jeric, "Pero yun nga, lahat sila, e. Sila Norbert Torres and Thomas Torres, lahat sila may deep cuts, so how can you say that it's self defense? Ang lahat ng tama, sa kanila."

Nakausap na rin daw ni Jeric ang kapatid sa ospital.

"Oo, actually pagpunta ko nga sa ospital, talagang shocked na shocked ako, kasi akala ko sa mga movies lang yun, e. Pagkita mo, ang daming dugo."

Ayon naman sa ulat ng GMA News, nagtamo ng 11 stitches sa kanang braso si Norbert, habang kasalukuyang nagre-recover sina Jeron at Thomas.

Ayon din sa ulat ng INQUIRER.net, nag-sumite si Norbert ng sketch ng ginamit sa pananaksak sa kanila ng mga suspek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jeron ay naglalaro para sa koponan ng Alaska, habang si Norbert ay kabilang sa koponan ng Rain or Shine.

Si Thomas naman ay nakatakdang maglaro para sa Mandaluyong El Tigre sa Maharlika Pilipinas Basketball League.


ABOUT THE AUTHOR

TV addict-turned-PEP Guide writer. For more local TV and movie updates, follow @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN