What industry insiders say about the Mike de Leon-Atom Araullo word war

IMAGE Mark Atienza

Director Gino Santos on Mike de Leon-Atom Araullo rift: "I appreciated how Atom handled the situation with class and respect. Medyo mahirap nga mag-comment coz Mike de Leon is a living legend in Philippine cinema. Love him or hate him, he will still be a huge part of the industry."


Umabot na sa personalan ang sigalot sa pagitan nina Mike de Leon, 71, at Atom Araullo, 35, na pinili mismo ng batikang direktor na pagbidahan ang kanyang obrang Citizen Jake.

Nitong nagdaang linggo, ibinulgar ni Direk Mike ang umano’y “hypocritical, narcissistic, pompous” na pag-uugali ni Atom.

May ilang insidente umano kung saan dinisrespeto ni Atom ang instructions niya bilang direktor nang hindi nito sundin ang pag-arte ayon sa kanilang rehearsal.  

Tinira rin ni Direk Mike ang brand of journalism ni Atom.

Tinawag niyang “closet movie star” at “boy in the rain” si Atom, na bagamat sinasabing ayaw sa showbiz ay ginagamit umano ang sariling propesyon upang magpasikat.

Hindi nakapagpigil si Atom at dinepensahan ang sarili sa paninira ni Direk Mike sa kanyang reputasyon.

Inihayag ni Atom ang inabot niyang hirap sa pakikipagtrabaho kay Direk Mike, na sinusumpong umano ng “unprovoked, irrational, almost random tantrums” sa set ng Citizen Jake.

Sinagot din ni Atom na hindi niya kailanman ipinagyabang kung anuman ang trabahong ginawa niya bilang broadcast journalist.

Giit pa ni Atom, patungkol sa pagkakaiba ng sarili niyang political views at sa ginampanang papel sa pelikula: "Jake Herrera is not Atom Araullo."

Sa gitna ng palitan ng maaanghang na salita sa pagitan nina Direk Mike at Atom, kapansin-pansin ang pananahimik ng mismong mga nakatrabaho nila sa pelikula.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag ang ilan sa cast members ng Citizen Jake, ngunit tumanggi silang magbigay ng pahayag dahil ayaw raw nilang makisawsaw pa sa isyu. Habang ang iba ay hindi tumugon sa aming mga mensahe.

Ngunit may ilang nakatrabaho sina Direk Mike at Atom ang pumayag na magbahagi ng kanilang karanasan sa pakikipagtrabaho sa mga ito.

Una na rito si Dennis Evangelista, na dapat sana’y line producer ng Citizen Jake.

Si Dennis ang line producer ng critically-acclaimed indie films na Lihis (2013), Asintado (2014), Magkakabaung (2014), Laut (2016), Siphayo (2016), Area (2016), at Bomba (2017).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inilarawan niya ang sandaling pakikipagtrabaho kay Atom sa pelikula.  

Kuwento ni Dennis sa PEP.ph, “I wasn’t there during shooting. I’m out of the project before sila mag-shooting.

"I was there during the pre-prod process workshop of Atom.

“All I can say, napakabait ka-work ni Atom. Napaka-patient na tao.

“Nalulungkot ako sa nangyayari between him and his director. It’s a difficult project.

"I feel for Atom for his hard work and patience..."

Isang co-star ni Atom, si Ruby Ruiz, ang nag-comment sa Citizen Jake Facebook page na may mga pagkakataong tumangging magpa-coach sa pag-arte ang newbie actor.

Sabi ni Ruby, “I stand by you... Direk! i have felt similarly on most occasions that he refused to be coached, but had no choice but to respect his decision...

“And watching his performance on the big screen, I felt he had sincerity and brilliant moments but i also saw many scenes where i felt i could have been of help, and i blame myself for not insisting, knowing all i had in mind, was for the good of the entire film.”


DIREK MIKE IN THE ‘80S. Sa panayam ng PEP.ph kay Jose “Pete” Lacaba, sinabi nitong hindi niya nakita si Direk Mike na nakipagbangayan sa isang katrabaho noon.

Si Pete ay first-quarter-storm veteran, peryodista, at manunulat ng award-winning film ni Direk Mike na Sister Stella L., na pinagbidahan ni Vilma Santos noong 1984.

Ani Pete, “Hindi kami nagkaroon ng ganoong katulad kay Atom-Mike. Wala pa namang Facebook noon.”

Isang news article ni Pete tungkol sa mga madreng aktibista ang nag-udyok kay Direk Mike na humingi sa una ng storyline ng Sister Stella L., na may orihinal na titulong Sangandaan.

Nang mangailangan ng on-the-spot revisions si Direk Mike para sa Sister Stella L., nasa ibang bansa si Pete at abala sa pagsusulat ng screenplay ng Bayan Ko: Kapit Sa Patalim ni Lino Brocka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balik-tanaw ni Pete, “During the shooting itself, wala ako sa Pilipinas nang mangailangan si Mike ng revisions sa script.

“Siya na at ang assistant director na si Jose Almojuela ang nag-ayos, nag-revise, nagdagdag.

“Sa sarili ko lang, sana nakalagay with additional scenes and dialogue, iba yung main writer. Pero okey lang sa akin.”

Ang "Sangandaan" at "Aling Pag-ibig Pa", na isinulat ni Pete at nilapatan ng musika ni Ding Achacoso, ang dalawang original songs sa Sister Stella L.

Tingin ba niya ay temperamental si Direk Mike tulad ng ibang creative artists?

Sagot ni Pete, “Hindi lang si Mike ang ganyan. Si Lino, mas mainitin ang ulo.

"Pero pagkatapos, paiinumin niya, mag-uusap-usap... Yung init during the shooting, pagkatapos forget.”

Isa sa pinag-usapan sa gitna ng palitan ng salita nina Direk Mike at Atom ang sinabi ng huli na “deeply troubled person” ang batikang direktor.

Nang tanungin kung may senyales na “deeply troubled” si Direk Mike, sinabi ni Pete na hindi niya ito nakita noong nakipagtrabaho siya rito.

Aniya, “Troubled sa lipunan. Hindi ko alam sa personal.”

Kahit noong panahong nagkakaproblema sa LVN Pictures, hindi raw ito inilabas ni Direk Mike sa mga kasamahan.

Si Direk Mike ay anak ng film producer na si Manuel de Leon at apo ni Narcisa "Doña Sisang" de Leon, co-founder ng LVN Pictures.

Nagpahiram pa raw ang batikang direktor ng office space sa LVN Pictures, nang halos walang bayad, nang binubuo ni Pete at ibang kasamahan ang Screenwriters Guild of the Philippines.

Nang binubuo rin nina Direk Lino at Pete ang Concerned Artists of The Philippines ay “tumutulong-tulong at nakikisama” rin daw si Direk Mike.  


HIGH EXPECTATIONS? Sa kabilang banda, ipinunto ni Pete na naging “masyadong mahigpit” si Direk Mike "sa pagtingin" kay Atom bilang broadcast journalist.

Kaugnay ito ng tirada ni Direk Mike kay Atom na “wala ka pa namang real accomplishments except being the famous boy in the rain who braved the wrath of Yolanda, an unrelatable documentary on climate change shot in Scandinavia, and of course, Umagang Kay Ganda.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

August 2016 nang pormal na mag-resign si Atom bilang news reporter ng ABS-CBN, ngunit nanatiling on-cam talent para sa public affairs programs tulad ng Umagang Kay Ganda at Red Alert.

September 2017 nang lumipat siya sa GMA Network bilang bahagi ng long-running news documentary program na I-Witness.

Sabi ni Pete, patungkol sa beat ni Atom bilang journalist, “Nakikita ko kay Atom hindi lahat political...”

Pero ang pagtalakay sa ibang aspetong hindi pulitikal ay hindi rin daw dapat maliitin.

Ayon pa kay Pete, bago siya sumabak bilang underground reporter noong panahon ng diktaduriya ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos ay nakapagsulat din siya ng mga artikulong may kinalaman sa showbiz at arts.

Ito ay kahit pa ang karaniwang beat niya ay may kinalaman sa "youth at labor union" na mainit sa gobyerno.

Tinutularan daw kasi noon ni Pete ang National Artist na si Nick Joaquin, na may kakayahang magsulat tungkol sa iba’t ibang topics.

Sa kaso nina Direk Mike at Atom, binigyang-pansin ni Pete kung paano parehong namersonal ang dalawa sa kanilang mensahe sa isa’t isa sa social media.

“Isang problema sa social media, walang preno. Walang editor na magtse-check baka libelous or baka kailangan balansehin.

“Ilabas mo man yung isang side, kailangan kunin pa rin yung other side.

“Sa social media, walang ganun. Iba na panahon ngayon. Walang preno.”


DIRECTORS’ TAKE. May ilan ding young filmmakers ang naghayag ng kanilang pag-aalala sa nangyaring sigalot sa pagitan nina Direk Mike at Atom.

Naniniwala ang director-writer na si Jason Laxamana na posibleng lumala ang alitan sa pagitan ng dalawa nang isapubliko nila ito.

“I think their rift should be kept between the two of them,” ani Jason.

Ilan sa mga pelikula ni Jason ay So Connected (2018), 100 Tula Para Kay Stella (2017), at The Third Party (2016).

Kinuwestiyon naman ni Chris Martinez ang kabuluhan ng palitan ng maaanghang na salita nina Direk Mike at Atom sa Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga pelikula ni Chris ay Meant To Beh (2017), Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough (2016), at Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel (2013).

Narito ang pahayag ni Direk Chris, published as is:

“We are all fascinated by this exchange because, after being a recluse for 17 years, the Mike de Leon (who, incidentally, is the greatest Filipino director who ever lived according to Quark Henares) is finally unravelling right on our phone screens and computer monitors.

“Who gives a shit whether his film will stand the test of time like Kisapmata? Whether it was as rousing as Sister Stella L?

“Who even noticed that on their 2nd week there were only 3 cinemas left in Metro Manila? Who cares about the blatantly politically elitist slant of Citizen Jake?

“Who cares what I thought of the film? Did I like it? Did I hate it? Was it really important that it was an ‘important film? Was the ‘meta’ treatment of the material warranted and necessary? Who cares?

“Apparently, nobody.

“But, right now, I am being interviewed by Pep.ph, no less, about what I learned about this spectacular fight between Atom and Mike like it's supposed to be the biggest national issue of the day.”

“If only the lurkers and commenters on Mike's and Atom's pages where converted to actual ticket holders, then I would say: ‘Hey! I learned something new today.’

“Otherwise, this is all just another case of oversharing on FB that totally went out of control.

“Poor Citizen Jake.


PROMO SLANT? Noong kasagsagan ng Metro Manila Film Festival 2017 ay nakasagutan din ni Direk Chris si Direk Mike matapos almahan ng huli ang umano’y kawalan ng kalidad ng mga napiling film entries noon.

Kabilang doon ang film entry ni Direk Chris na Meant To Beh, na pinagbidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang Facebook post noong November 4, 2017, sinabi ni Direk Mike na dismasyado siya sa diumano’y maanomalyang selection process ng MMFF 2017 kaya hindi nito isinumite ang Citizen Jake bilang aspiring film entry.

Umalma rito si Direk Chris at ipinaabot sa batikang direktor na tigilan ang paninira sa ibang pelikula para lang i-promote ang Citizen Jake.

Sabi pa noon ni Direk Chris, “Dear Direk Mike, Know that I always look up to you. Your films have inspired me to pursue filmmaking. I admire your body of work. Believe me when I say you are one my 'lodis.'

"And nothing is so tragic to let your promo people show you unravel like this.

"Why can't your people just focus on the return of a genius rather than sounding like it's the second coming of the savior of Philippine cinema?"

Kung noong nakaraang taon ay ang MMFF 2017 entries ang pinuntirya ni Direk Mike, mismong ang lead star niyang si Atom ang binabatikos nito sa kasalukuyan.

Ngunit sa kabila ng sunud-sunod na tirada ni Direk Mike kay Atom, sa pamamagitan ng Facebook page ng Citizen Jake, isang beses lamang naglabas ng opisyal na pahayag ang newbie actor-broadcast journalist.

Bagay na pinuri ng direktor na si Gino Santos, base sa panayam niya sa PEP.ph, “I appreciated how Atom handled the situation with class and respect.”

Si Direk Gino ay direktor ng pelikulang Sin Island (2017), Love Me Tomorrow (2016), at #Y (2014).

Sa aspeto ng pag-arte ni Atom, nakasaad sa Facebook post ni Direk Gino, "I've seen the film, there were some parts I didn't quite appreciate the performance.

"BUT no one should be treated this way. I'm sure he gave it his all."

Sa kanyang pakikipagsagutan sa netizens, nauna nang itinanggi ni Direk Mike na "publicity" ang habol niya sa kanyang pambabatikos kay Atom.

Ngunit hindi rin maitatangging umabot na ng second week ang Citizen Jake sa kabila ng ilang sinehan na ang nag-pull out dito dahil sa baba ng kita sa takilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“LIVING LEGEND.” Kung anu’t ano pa man, hindi raw kasi maitatatwa ang naiambag ni Direk Mike na mga pelikulang naging malaking bahagi hindi lang sa industriya ng pelikula kundi pati sa Philippine history.

Dagdag ni Direk Gino sa panayam ng PEP.ph, “Medyo mahirap nga mag-comment coz Mike de Leon is a living legend in Philippine cinema.

“Love him or hate him, he will still be a huge part of the industry.”

(With reports from Rachelle Siazon, Nerisa Almo, Bernie Franco, & Arniel Serato)


Stories We Are Tracking

Director Mike de Leon says
Director Mike de Leon says "goodbye" to Atom Araullo
Mike de Leon accuses Atom Araullo of being a hypocrite
Mike de Leon accuses Atom Araullo of being a hypocrite
Atom cries foul over Direk Mike
Atom cries foul over Direk Mike "besmirching" his reputation
Mike de Leon takes a swipe at <em>Citizen Jake</em> star Atom Araullo
Mike de Leon takes a swipe at Citizen Jake star Atom Araullo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN