Meet Kristoffer Martin's non-showbiz girlfriend, AC Banzon

IMAGE AC Banzon Instagram

Kapuso actor Kristoffer Martin is slowly opening up about his relationship with non-showbiz girlfriend AC Banzon, who recently graduated from San Beda College.


Pagkatapos aminin ni Joyce Ching ang kanyang relasyon sa non-showbiz boyfriend na si Kevin Alimon, ang ex-boyfriend ng Kapuso actress na si Kristoffer Martin naman ngayon ang nag-open up tungkol sa non-showbiz girlfriend niyang si Alyssa Celine Banzon o AC Banzon.

Four years na ang relasyon nina Kristoffer at AC.

Kamakailan ay um-attend si Kristoffer ng graduation rites ni AC sa San Beda College at ipinost ito ng Kapuso actor sa kanyang Instagram Story.

Tinawag niyang “my labiee” si AC.

May larawan din silang magka-holding hands na may caption na “On to the next chapter”


Kung sa Instagram account ni Kristoffer ay madalang siyang mag-post ng photos nila ni AC, sa IG account naman ni AC ay makikita roon ang sweet photos nila ng aktor.

Kabilang na rito ang photos ng kanilang out-of-town trips sa Nasugbu, Batangas, Boracay, at sa Tanay, Rizal.




May mga larawan din silang kuha sa ibang bansa tulad sa Hong Kong, Macau, Singapore, at Bangkok kung saan sila nag-celebrate ng kanilang anniversary.

Sa Bangkok din sila nanoood ng Coldplay concert noong 2017.



May isang Instagram photo rin silang matching ang suot nilang shirts.


Kahit may kanya-kanya na silang love life, tanggap pa rin ng fans nina Kristoffer at Joyce ang kanilang tambalan sa mga teleserye.

Huli silang nagkasama sa prime time series na Super Ma’am.

Nagbida rin sila sa afternoon teleserye na Hahamakin Ang Lahat (2016-2017). 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN