Rhian Ramos on settling down: "Actually, I don't feel ready."

IMAGE glenn regondola

Rhian Ramos on settling down: "You know, when I was young, I was such in a hurry to grow up, na parang at twenty, I want to get married. But I realized, as I get older, ang haba pa ng life. Walang dahilan talaga para magmadali."


Ayon kay Rhian Ramos, nananatiling maganda ang takbo ng relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jason Choachuy.

Mahigit tatlong taon na ang kanilang relasyon, pero malayo ito sa intriga dahil pribadong tao ang kanyang nobyo.


Pahayag ng Kapuso actress, “We’re about three and a half years into the relationship.

“Yun naman, there’s not a lot I said about us before, kasi nga, he’s not from showbiz.

“He appreciates his privacy.

"And to honest about it, I appreciate his privacy too.

“So, yeah. We’re doing good and it’s been fun, easy, and… you know, aside from being a couple, we’re also good friends.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian nitong Linggo, June 3, sa The Eddy’s 2nd Nominees Night na ginanap sa 38 Valencia St., Valencia, Quezon City, kung saan siya ang nagsilbing host.

Sa mismong Wish Bus naman ng Wish 107.5 naganap ang panayam na ito kung saan siya ang special guest ng nasabing radio program.

WEDDING BELLS. Dahil sa masaya niyang love life, marami ang curious malaman kung ang susunod na raw ba nito ay kasalan.

Natatawang reaksiyon ng 27-year-old actress, “No pa rin.

“It’s pretty fun kasi I talked about this to all my unmarried showbiz friends.

“And this is the most asked question right now.

“I feel so much pressure, ‘cause all the other friends are getting married, di ba?

“Like, last year was a big year for weddings especially.

“So, guys, it’s okay, don’t be pressured. We’re not old.”

Pero sa parte ng aktres, naiisip na ba niyang mag-settle down?

Giit ni Rhian, “No. Actually, I don’t feel ready.

“You know, when I was young, I was such in a hurry to grow up, na parang at twenty, I want to get married.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I realized, as I get older, ang haba pa ng life.

“Walang dahilan talaga para magmadali.

“Even with technologies these days, as in wala nang dahilan at all para magmadali.”

Ano sa palagay ni Rhian ang iba pang hindrances para sa planong magpakasal?

Paliwanag ng aktres, “Siguro, I started working kasi in such a young age.

“Nagsimula ako sa showbiz nung I was fifteen, ‘tapos kelan ko lang na-realize na may mga gusto pa pala akong gawin.

“May gusto pa akong aralin, may gusto pa akong ma-experience.

“Siguro kapag nakuha ko na lahat, yun.”

Sa tingin ba niya ay si Jason na ang kanyang “the one”?

Sagot ni Rhian, “I don’t feel any reason to see or to think that it wouldn’t work out between us but, you know, it’s so hard to say it because I don’t know what will happen, e.

“I don’t know what’s life to offer, it’s just really a hard question to answer.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN