Frank Magalona, brother of Elmo and Maxene, arrested for allegedly pinching a woman's butt

IMAGE Noel Orsal

Frank Magalona was arrested by Taguig Police for allegedly touching a woman's buttocks inside a bar.


Inaresto ng mga awtoridad ang aktor na si Francis Michael “Frank” Magalona dahil diumano sa panghihipo sa isang babae sa isang bar sa Taguig City kaninang Lunes ng madaling-araw, June 4.

Si Frank ay anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona at ng talent manager na si Pia Arroyo-Magalona.

Kapatid naman niya ang mga artistang sina Maxene, Saab, at Elmo Magalona.

Ayon kay Southern Police District Director, Chief Superintendent Tomas Apolinario, inireklamo ng panghihipo si Frank ng isang VIP host sa Revel Bar.

Base sa salaysay ng biktima, tiyempong kumukuha siya ng inuming alak nang lapitan siya ni Frank, na pumuwesto sa likuran niya at saka raw kinurot ang kanyang puwet.

Dahil sa insidente, ipinaalam daw ito ng biktima sa kanilang supervisor at humingi rin siya ng tulong sa kanilang head bouncer.

Kasalukuyang naka-detain sa Taguig Police Station si Frank.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating ng kampo ni Frank tungkol dito.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN