Aga Muhlach, Charlene Gonzalez move on after their dads' passing

IMAGE Arniel Serato

Ayon kay Aga Muhlach, nagmu-move on na raw sila ng asawang si Charlene Gonzalez matapos magkasunod na pumanaw ang kanilang mga ama. 


Okay na raw ang pakiramdam ni Charlene Gonzalez ngayon matapos pumanaw ang kanyang stepfather na si Pepito “Pete” Vera-Perez (74) noong May 23.

Ito ay ayon mismo sa asawa ng beauty queen-actress na si Aga Muhlach.

Pahayag ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “She’s okay...

"She’s better na because Uncle Pete was laid to rest yesterday [Saturday, June 2], parang... so, done na.

“Finished na yung wake, finished na lahat.

"After my dad and then hers, so parang… she feels better now.

“Yeah, we all moved on from that.”

Pumanaw ang ama ni Aga na si Cheng Muhlach noong May 12.


Stories We Are Tracking

Cheng Muhlach, father of Aga Muhlach, dies at 74
Cheng Muhlach, father of Aga Muhlach, dies at 74
Charlene Gonzalez mourns death of stepdad Pepito Vera-Perez
Charlene Gonzalez mourns death of stepdad Pepito Vera-Perez

TWO MOVIES. Samantala, abala ngayon ang aktor sa dalawang pelikulang ginagawa niya.

Saad ng 48-year-old actor, “I’m okay, I’m good. I’m very, very good.

“I’m leaving tomorrow for Vancouver [Canada].

"I start filming with my movie with Bea [Alonzo].

“And then I just came from Greenland. I just finished my film with Alice [Dixson].”

Ibig bang sabihin, sa pelikula muna siya magku-concentrate?

Paglilinaw ni Aga, “Always naman.

“Wala naman akong teleserye. I’ve never done teleseryes.

“I just never done parang… I don’t know, wala naman.

“Sinasabi nila mahirap daw, nakakapagod, and siguro at some point, I’ll try once.

"One time, we’ll see."

Kung mayroon man daw nami-miss gawing proyekto si Aga, ito ay ang sitcoms.

Ang dating sitcom ni Aga na Oki Doki Doc sa ABS-CBN ay tumagal ng pitong taon, mula 1993 hanggang 2000.

Gumawa pa siya ng ilang sitcoms pagkatapos nito ngunit pawang hindi gaanong nagtagal sa ere.

“Yeah, I missed doing sitcoms, yun ang buhay ko,” sambit ni Aga.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aga sa The Eddy’s 2nd Nominees Night na ginanap sa Valencia Events Place, 38 Valencia St., Quezon City, nitong Linggo, June 3.

NOMINEES NIGHT. Maagang dumating si Aga sa 2nd Nominees Night ng The Eddys, ang award-giving body na pinamamahalaan ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nominado siya bilang Best Actor para sa pelikulang Seven Sundays.


Gaganapin ang awards night sa July 9, kung saan 14 kategorya ang paglalaban-labanan ng nominees kabilang na ang Best Film, Best Director, Best Actor, at Best Actress awards.

Dumating na Nominees Night ang ilan sa mga nominado kabilang na sina Aga, Edgar Allan Guzman (Best Actor, Deadma Walking), Mary Joy Apostol (Best Actress, Birdshot), at Arnold Reyes (Best Supporting Actor, Birdshot).

Ayon kay Aga, mahalaga sa kanyang suportahan ang entertainment editors sa kanilang event dahil kasabay na raw niya ang mga itong nagkaedad sa showbiz industry.  


(Aga with SPEED members [L-R] Ron Romulo - Auditor, Eugene Asis - Founding Member, Jojo Panaligan - Board Member, Ervin Santiago - Assistant PRO, Ian Fariñas - President, Salve Asis - Internal Vice President, Isah Red - Founding Member, and Maricris Nicasio - Secretary)


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN