Ciara Sotto reveals she worked as go-go dancer in the U.S.

IMAGE Photo courtesy of Tunay na Buhay

Ciara Sotto on working odd jobs in the U.S.: "Dun na-build ang character ko, nung nasa States ako."


Inamin ni Ciara Sotto na minsan siyang naging go-go dancer sa U.S. at hindi ito alam ng kanyang mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Taong 2007 nang manirahan ang actress-singer sa U.S. upang subukan ang kanyang suwerte roon.

“I went to States, may offer na magso-show sa isang dinner and theater, pero hindi siya natuloy,” pagbabahagi ng 37-year-old single mom sa May 31 episode ng Tunay na Buhay ng GMA-7.

Patuloy niya, “We were rehearsing every day.

“Ang daming rules: pag tumaba ka, may multa. Ganung level.

“Pero hindi nag-open yung lugar.”

Ang tinutukoy ni Ciara na show ay ang Fever, na plano noong itanghal sa Melanja Sky hotel and restaurant sa Las Vegas, Nevada.


Stories We Are Tracking

Ciara Sotto tries luck in Las Vegas
Ciara Sotto tries luck in Las Vegas
Ciara Sotto's billboard for Las Vegas show now up
Ciara Sotto's billboard for Las Vegas show now up
Ciara Sotto's Vegas career update: Building permit delays
Ciara Sotto's Vegas career update: Building permit delays "Fever" opening
Ciara Sotto finally answers issues that came out while she was in Vegas
Ciara Sotto finally answers issues that came out while she was in Vegas

A GO-GO DANCER. Aminado si Ciara na naging mahirap ang pananatili niya sa Amerika, pero natuto raw siya.  

Aniya, “It was hard.

“Nung akala ko ayoko na, ‘Uwi na ako,’ pero parang dun na-build ang character ko, nung nasa States ako.”

Iba-ibang trabaho raw ang pinasok ni Ciara, kabilang na rito ang pagiging go-go dancer.

“I had to prove myself. Hindi ko sinabi sa kanila,” pagtukoy ni Ciara sa kanyang pamilya.

“Yung mga Amerikana ko na friends na nagwo-work sa mga club na go-go dancers, [tinanong ako], ‘You wanna come? It’s just an hour and you get a hundred dollars.’

"Sabi ko, ‘Really?’”

Sabi raw ng kanyang mga kaibigan, “And all you have to do is dance.”

Pumayag daw si Ciara.

“'Tapos pagdating ko dun, ‘Yeah, but you have to wear this.'

"Parang, ‘Oh, my gosh, no backing out na ‘to!’

“So, naka-bra top kami na beaded, yung ganun,” paglalarawan ni Ciara sa suot habang nagpe-perform.

HER FAMILY’S REACTION. Hindi raw niya ipinaalam ito sa kanyang mga magulang.

Kuwento ni Ciara, “Nalaman na lang nila after a while, pag-uwi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre hindi sila natuwa.

“Hindi nila alam yung time na, yun nga, nalaman na lang nila nung nakauwi na ako.

“Pero yun, itinuloy ko yun.

“'Tapos nagbenta rin ako ng cell phone.”

Pagkatapos ng dalawang taon ay umuwi na sa Pilipinas si Ciara.

Aktibo naman ngayon si Ciara sa pagtuturo ng pole dancing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN