Iya Villania explains vlogger Wil Dasovich's blunder: "Gusto niyang maging Drew Arellano."

IMAGE Noel Orsal

Pinagtatawanan lamang daw ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano ang pagkakamali ng vlogger na si Wil Dasovich kung saan sinabi nitong gusto niyang maging asawa ni Iya. Ang ibig talagang sabihin ni Wil ay gusto niyang maging travel host kagaya ni Drew.


Usap-usapan sa social media ang trending vlog ni Wil Dasovich noong nakaraang linggo kung saan mali ang pagkakasabi niya kay Iya Villania na idolo niya ang asawa nitong si Drew Arellano.

Base sa video na kuha ng vlogger sa MYX Music Awards, sinabi niya kay Iya, “My dream before was to be your husband.”

Pero ipinaliwang naman ito ni Wil sa inilabas niyang vlog na ang ibig talaga niyang sabihin ay gusto niyang maging katulad ni Drew na isang sikat na travel show host.

Ngayong Lunes, June 4, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Iya sa launching ng Season 4 ng cooking show nila ng asawang si Drew, ang Home Foodie, sa GMA Network Center.

Dito ay inusisa siya tungkol sa nakatutuwang engkuwentro nila ni Wil.

Sabi ng Kapuso TV host-actress, “Ang ibig sabihin ni Wil… hindi naman sa gusto niyang maging asawa ako, gusto niyang maging Drew Arellano bilang isang travel host. Yun yung ibig sabihin nun.”

Baka naman type na talaga siya ni Wil noon pa?

Natatawang sagot ni Iya, “Hindi niya ako type!

"Ang ibig niyang sabihin… pero kung hindi ako nag-stay para intindihin ang ibig niyang sabihin, baka yun talaga ang… because I asked him, ‘What do you mean?’

“Yun nga, in-explain niya na kasi nga, nung nanganak ako kay Primo, nainggit nga si Drew kasi mas longer yung bonding moments namin ni Primo.

“E, na-guilty siya, 'tapos bigla siyang nag-post na, ‘I wanna end my travel show so I can stay here with my son.’

“E, yung mga fans ni Wil, yung mga fans and supporters niya were asking, ‘Hey, you might be interested…’

“Siyempre hindi nila alam na joke, o hindi totoo yung pinost ni Drew na aalis siya sa travel show niya.

“E, yung iba siguro na-excite na, ‘Wil, pagkakataon mo na 'to.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagtatawanan din lang daw ito ito ni Drew.


HOME FOODIE SEASON 4. Simula June 11, ipapalabas na sa Kapuso Network ang Season 4 ng Home Foodie pagkatapos ng Unang Hirit.

Bukod kina Iya at Drew, makakasama nila ang tatlong chefs mula sa San Miguel Foods Culinary Center na sina Llena Tan-Arcenas, Martin Narisma, at John Valley.

Ayon sa mag-asawa, magli-level up ang cooking skills nila sa bagong season ng kanilang programa dahil marami silang ibabahaging masasarap na recipe na #madalicious (madali na, delicious pa) lang ihanda.


(Home Foodie hosts Iya and Drew with San Miguel Foods Culinary Center chefs [L-r] Martin Narisma, Llena Tan-Arcenas, and John Valley)


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN