Gabby Eigenmann on Mike de Leon-Atom Araullo word war: "I don't think it's gimmickry"

IMAGE Noel Orsal

Gabby Eigenmann says as much as possible, he doesn't want to meddle between the rift of his Citizen Jake director Mike de Leon and co-star Atom Araullo. But one thing he knows, it's not a publicity stunt. He told PEP.ph, "Kasi, I don't think Mike de Leon would have issues para lang mapanood ang pelikula, same with Atom."


Naging maingat si Gabby Eigenmann sa pagbibigay ng pahayag tungkol sa alitan sa pagitan ng veteran director na si Mike de Leon at ng broadcast journalist na si Atom Araullo.

Si Mike ang direktor at si Atom naman ang bida sa pelikulang Citizen Jake, kung saan may mahalagang papel si Gabby.

Ayaw raw makialam ni Gabby sa naglalabasang isyu sa pagitan nina Direk Mike at Atom. 

“Ah, just let them be. Ayokong makialam!” natatawang sabi ng Kapuso actor.

Nagulat ba siya sa palitan ng mga salita ng direktor at ng kanyang co-star?

Ayon kay Gabby, “It’s not something to be shocked [about].

"Siyempre, kalalabas pa lang ng pelikula, 'tapos may sumabog na... something unusual.

“Kasi, I don’t think Mike de Leon would have issues para lang mapanood ang pelikula, same with Atom.”

Ito nga ang isang bagay na sinasabi ng netizens, na baka nag-resort sila sa ganung publicity gimmick para magkaingay ang pelikula.

“I don’t think it’s gimmickry,” tanggi ni Gabby.

“Hindi ko alam... kailangan pa ba?

"Sabi ko nga, a Mike de Leon film will always be a Mike de Leon film.

"Kesyo maghati man iyan. Gusto ng iba, ayaw ng iba, nag-expect yung iba or you’ll feel betrayed, kasi idol nila si Mike de Leon.

“Yung mga ganun... hindi tayo sure if everyone would like this movie, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa block screening ng Citizen Jake, sa Vertis North Cinema, noong June 1.

Ang talent management niyang PPL Entertainment, Inc. ang nag-sponsor ng block screening.

Sabi ni Gabby, “Touched naman ako sa aming manager, si Perry [Lansigan].

"Siyempre, yung suporta naman niya sa mga alaga niya sa PPL, hindi naman nawawala.”

ATOM, THE ACTOR. Kumusta si Atom habang ginagawa nila ang pelikula?

Tugon ng award-winning actor, “Okay naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palagi ko ngang sinasabi sa mga past interviews ko, it’s a new experience for him na sumabak sa pag-aartista.

“So, noong nagri-reading pa lang kami...

"Kumbaga kasi, I always asked him, 'Kumusta ang buhay journalist, ibang-iba ba? Kasi kayo, you report. Ang daming pagkakaiba sa amin.'

“So, siya rin naman nagtatanong din, 'Anong difference ng pagiging artista?'

"'Wala... puyat, pagod, palaging ganito. I’m sure, ganun din kayo when you’re called to do field works.'

“We really compare.

"So, okay naman, naninibago lang talaga siya.”

Dahil may mga eksena si Gabby kasama si Atom, nakita niya kung paano ang pakikitungo nina Direk Mike at Atom sa isa't isa sa shooting.

May nakita ba siyang tensiyon sa pagitan ng dalawa?

“I think I’m the wrong person to ask,” sagot ni Gabby.

“The only scene that I did with him was only few, kasi isang araw lang akong nag-Baguio.

"Ang madalas, si Max [Collins] si Adrian [Alandy]. I mean, sila yung ano...

"Pero working relationship, wala naman akong nakitang hindi maganda.

“Although, every time I’m there kasi, for me, ang saya ng atmosphere. Masaya talaga.”

Isa sa paglalarawan ni Direk Mike kay Atom ay tungkol sa pagiging "narcissistic" diumano nito. Napansin din ba niya yun?

“Wala, sabi ko nga, I’m the wrong person to ask!” natawang sabi ni Gabby.

Yung may yabang daw or tipong pa-star si Atom?

“Wala naman, sabi ko nga, kung anuman yung naging alitan nila or if they’re trying to put something that people would explain each side, e, sila na lang yun. Labas na kaming mga co-actors.”

Hindi kaya dahil hindi professional actor si Atom kaya nagkaroon ng conflict sa director nila?

Pahayag ni Gabby, “You know, what my understanding is, Direk Mike wanted a journalist.

“Kasi, you’ll go back to circles. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, 'Why Atom, marami naman puwedeng makuha?'

"Pero there’s always an understanding na why Atom, at sila lang ang makakasagot niyan, hindi ako.”


Stories We Are Tracking

Mike de Leon takes a swipe at <em>Citizen Jake</em> star Atom Araullo
Mike de Leon takes a swipe at Citizen Jake star Atom Araullo
Atom cries foul over Direk Mike
Atom cries foul over Direk Mike "besmirching" his reputation
Mike de Leon accuses Atom Araullo of being a hypocrite
Mike de Leon accuses Atom Araullo of being a hypocrite
Director Mike de Leon says
Director Mike de Leon says "goodbye" to Atom Araullo

WORKING WITH MIKE DE LEON. Pero sila ni Direk Mike, kumusta naman?

"Ako, okay ako," mabilis na sagot ni Gabby.

“I don’t wanna be biased, pero sa akin, masaya, e.

“I was making him laugh, sa set. Iba ang atmosphere.

"Siguro dahil, at the end of the day, nire-remind ko si Direk Mike, we’re just doing a film, yung ganun.”

Hindi ba siya kinabahan o napaisip na baka may nasasabi o masabi rin sa kanya ang batikang direktor?

“Well, kung meron man, hindi naman maiiwasan yun.

"Lahat naman tayo may masasabi sa kapwa natin.

"It's just that, ako, I came prepared. I came to the set prepared.

"At yung mindset ko, [this is a] Mike de Leon film.

“Ayoko naman na yung daddy ko, kung nanonood sa langit at sasabihin na, 'Mike de Leon iyan, bakit naman ganyan ang gagawin mo? Hindi mo pa galingan.'

“So siyempre, double effort for me. I came prepared.”

Ang yumaong ama ni Gabby ay ang aktor na si Mark Gil, na lead actor sa isa sa mga tumatak na pelikula ni Direk Mike, ang Batch '81.

Pareho niyang nakasama at nakatrabaho sina Direk Mike at Atom, kung may iiwan siyang mensahe sa dalawa, ano ito?

“Kung anuman ang misunderstanding nila, I’m sure...

"Well, this is just a small world. I’m sure, one way or another, magkakaayos at magkakaayos din sila.”


Stories We Are Tracking

What insiders say about the Mike-Atom word war
What insiders say about the Mike-Atom word war

POSITIVE FEEDBACK. Sa isang banda, masaya raw si Gabby sa mga nababasa at nakararating sa kanyang pagtanggap ng mga manonood sa pelikula nila.

“Kasi ang mindset nila, akala nila political movie.

"Ang dami namang aspeto ng pelikulang ito.

"Nandoon naman yung makikita na hindi lang story about politics, nandiyan yung family, relationship, friendship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami, e, maraming tinackle ang pelikulang ito.

“I may sound selfish or not, pero masaya na ako, kasi naging parte na ako ng pelikula na isang obra.

“Panoorin man o hindi ng lahat, basta mailalagay ko yun sa bucket list ko na ma-cross out ko—ang makatrabaho ang isang Mike de Leon.”

Si Gabby ang gumanap sa karakter ni Roxie Herrera, na kapatid ni Jake Herrera, na ginampanan ni Atom.

Gusto raw niya ang karakter na isa sa masasabing challenging roles.

“When I was offered the role, nabanggit nga na yung Roxie, kapatid ni Jake.

"Sabi ko, kahit na anong role, basta lang makapasok sa project ni Direk Mike.

“Hindi naman ako naghanap pa o naghangad pa ng ibang role o nag-imagine na sana role ko na lang iyan.

"I think, Roxie was for me talaga.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN