Drew Arellano jokes about acting in a film amid Mike de Leon-Atom Araullo word war

IMAGE Noel Orsal

Clueless daw si Drew Arellano sa alitan ng kaibigang si Atom Araullo sa direktor na si Mike de Leon. Biro pa niya, gusto na rin niyang umarte sa pelikula upang may magkomentong direktor sa kanyang acting.


Idinaan sa biro ni Drew Arellano ang tanong ng press kung gusto rin ba niyang umarte sa isang pelikula katulad ng kaibigang brodkaster na si Atom Araullo.

Natatawang sabi niya, “Alam mo, gusto ko nga, e, para magkaroon ako ng comments sa mga director!"

Nabalot naman ng malakas na halakhakan ang venue ng presscon bago nagpatuloy si Drew sa kanyang sagot. 

Dagdag ng mister ni Iya Villania, “Pero ang pinakagusto ko talaga, na matagal ko na sinasabi sa asawa ko, matagal na, dahil ako palaging host, host, host, sabi ko gusto ko naman magkaroon ng kissing scene... sa kanya… with her.

“Kidding aside, no. Probably, I don't think they'll like me.

"Even though they would want me to be part of a film, it's probably not gonna happen.

"I'm not sure if I can act."

Bago nakilala bilang travel show host, nagkaroon na rin ng ilang acting projects si Drew.

Kabilang na rito ang youth-oriented series na Click, kung saan sila nagkasama ni Iya, at mga pelikulang My First Romance (2003) at Spirit of the Glass (2004).

Kasunod nito, binigyang diin ni Drew na wala talaga siyang masasabi tungkol sa alitan nina Direk Mike at Atom dahil hindi niya nasundan ang istorya.

“So, I have no comment coz I really don’t know the real story.”

Usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz ang patutsadahan nina Direk Mike at Atom tungkol sa pelikula nilang Citizen Jake.


Stories We Are Tracking

Mike de Leon takes a swipe at <em>Citizen Jake</em> star Atom Araullo
Mike de Leon takes a swipe at Citizen Jake star Atom Araullo
Atom cries foul over Direk Mike
Atom cries foul over Direk Mike "besmirching" his reputation
Mike de Leon accuses Atom Araullo of being a hypocrite
Mike de Leon accuses Atom Araullo of being a hypocrite
Director Mike de Leon says
Director Mike de Leon says "goodbye" to Atom Araullo

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Drew, kasama ang asawa nitong si Iya, sa launching ng Season 4 ng Home Foodie, sa GMA Network Center, kahapon, June 4.

Sa June 11 na muling mapapanood sa Kapuso Network ang cooking show na ito pagkatapos ng Unang Hirit.

Bukod sa mag-asawa, makakasama rin nila bilang hosts ang chefs mula sa San Miguel Foods Culinary Center na sina Llena Tan-Arcenas, Martin Narisma, at John Valley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN