Kris Aquino slams Mocha Uson for maligning late dad Ninoy Aquino: "Hindi kita uurungan."

IMAGE Cyrus Panganiban for PEP.ph & YES! Magazine

Kris Aquino (left) hits back at Mocha Uson (right) for maligning the TV host-actress' deceased parents: "Asec Mocha Uson - marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin... Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan."


Kinondena ni Kris Aquino ang paglapastangan ni Mocha Uson sa mga yumaong magulang ng TV host-actress na sina Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at President Corazon "Cory" Aquino.

Una na rito ang Facebook video ni Mocha kung saan ibinahagi nito ang kontrobersiyal na paghalik ni President Rodrigo Duterte sa isang Pinay OFW (Overseas Filipino Worker) sa South Korea.

Nagpatutsada kasi si Mocha na wala umanong ipinagkaiba ang inasta ni Presidente Duterte sa insidente kung saan hinalikan ng dalawang Pinay si Senator Aquino, habang sakay ng eroplano ilang oras bago ito paslangin paglapag nito sa Manila mula U.S.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, June 5, sinagot ni Kris ang tirada ni Mocha.

“Asec Mocha Uson - marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin...

“Mapapansin mo si Noy hindi parte ng video ko dahil BUHAY sya. Kaya nyang depensahan ang sarili nya.

“Pero nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan ng hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo?"

Giit ni Kris, “Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama.

“Umiyak ako ng tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago sya pinatay.

“Isang regalong hindi binigay sa nanay ko na walang tigil mo ring binabastos.

“Nangako akong hindi kita papatulan - but this time you crossed the line.”

Ayon kay Kris, nanahimik siya nang atakehin ni Mocha ang kontrobersiyal na love life ng TV host-actress noong nakaraang taon.

Ito ay sa kadahilanang aminado si Kris sa sariling pagkakamali sa kanyang buhay pag-ibig.

Ngunit hindi raw niya hahayaang bastusin ni Mocha ang kanyang mga yumaong magulang.

Kaugnay ito ng panayam kay Mocha kung saan inakusahan nitong “diktador” si President Cory Aquino noong panahon ng panunungkulan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Kris, “You reminded me of how much I hurt my mom nung buntis ako kay josh & na disown ako pero nung 1 month si kuya - naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga nya yung apo nya - sya na yung pinaka nagmahal sa anak kong may autism.

“Pinaalala mo na nung issue namin ni joey, nung umamin ako sa STD, niyakap lang ako ng nanay ko.

“Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko - yun siguro ang kaibahan namin - WALA KAMING PINAGTAKPAN.

“Wala kaming ginamit. Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina - sinisikap kong ayusin ang buhay ko.

“Kaya ngayon hihiramin ko ang salita nya: TAMA NA. SOBRA NA...

“Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan.”

LACK OF RESPECT FOR WOMEN. Samantala, nauna nang inalmahan ng ilang showbiz personalities ang paghalik ni President Duterte sa isang Pinay OFW sa South Korea.

Isa na rito ang talent manager-actor na si Ogie Diaz.

Sinabihan ni Ogie si Mocha na “huwag i-justify” ang paghingi ni President Duterte ng halik sa isang Pinay sa pamamagitan ng pagkumpara rito sa isang video kung saan makikitang “di nagpaalam yung girl at siya mismo ang nagnakaw ng halik kay Sen. Ninoy.”

Bahagi ng pahayag ni Ogie sa kanyang Facebook post kahapon, June 5:

"Konting lawak ng utak, ate. Wag mong isiping yung mga nagalit o nag-react sa ginawa ng ating Pangulo ay mga 'Dilawan.'

"Di mo ba pwedeng isipin mo na nagulat lang ang marami, lalo na ang mga kababaihan sa naging behavior ng Pangulo?

"Na ang interpretasyon ng mga kababaihan natin ay hindi yon dapat ginawa ng Pangulo.

"Hindi ito ang malala. Mas may malala pa noon sa mga pronouncement ng Pangulo patungkol sa babae, pero kung ako ang tatanungin mo, sanay na ako sa Pangulo, kuha ko na yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sana, isaksak mo rin sa utak mo na hindi lahat ng nagrereklamo kay Pangulo ay Dilawan.

"Ayaw mo bang iangat ang pagkababae mo? Ayaw mo bang pairalin ang pagrespeto ng mga lalake sa mga kababaihan, lalo na’t isa ka ring babae?

"Kunsabagay, yung mga madre nga na humarang ng tangke sa Edsa para matigil lang ang gulo at pagdanak ng dugo, binaboy mo din. Magtataka pa ba ako?"

"STOP GIVING HIM A FREE PASS." Sa hiwalay na Twitter posts ni Agot Isidro ngayong araw, inihayag niya ang disgusto sa kawalan ng respeto ni President Duterte sa kababaihan nang tahasan itong nagpahalik sa isang Pinay OFW.

Kinontra rin ni Agot ang depensa ni Senator Sherwin Gatchalian na walang masama sa inasta ni President Duterte dahil nagpaalam ito at pumayag ang Pinay OFW na halikan ng Pangulo.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN